Mga parokya sa Luzon, gagamitin ding evacuation centers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng mga kinatawan ng iba’t-ibang Diyosesis sa Northern Luzon para sa posibleng pinsala ng bagyong Ompong.

Ayon kay Rev. Fr. Andy Semana, Social Action Director ng Archdiocese of Tuguegarao, mayroon na silang isinagawang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng mga residente lalo na sa mga nasa coastal areas.

Batay sa pagtataya ni Fr. Semana nasa 13 Parokya sa 2 bikaryato ang Vicariate ng Sta. Ana at Vicariate ng Aparri ang mga pinaka-tinututukan nila sa ngayon.

“Within the Archdiocese of Tuguegarao ang Vicariate ng Sta Ana at Aparri ang mga maituturing na below sea level, sa ngayon wala pa tayong naka preposition na relief pero bukas naman ang ating simbahan para magsilbi na evacuation center,” pahayag ni Fr. Semana ng Arhcdiocese of Tuguegarao.

Paiwanag ng Pari ito ito rin ang mga labis na napinsala ng bagyong Lawin noong manalasa ito taong 2016.

Samantala, kakatapos lamang ng ginawang pagpupulong ng Social Action Center ng Diocese of Ilagan katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang mga kinatawan ng iba’t-ibang organisasyon sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Sr. Camille Marasigan, Social Action Coordinator ng Ilagan Diocese na patuloy ang kanilang ginagawang information dissemination at nagtalaga na sila ng mga tao na kikilos sa bawat parokya at bikaryato para sa isasagawang rapid assessment at mabilis na relief response matapos ang pananalasa ng bagyo.

“Nagkaroon na tayo ng information dissemination at nag-iikot tayo sa mga barangay. Madali tayo ngayon makakapag-update dahil sa binuo natin na team na per parish level at per vicariate level then meron din dito sa Diocese” pagbabahagi ni Sr. Marasigan

Sa Diocese of Laoag sa Ilocos Norte ay inihanda na ang pondo ng Alay Kapwa sa iba’t ibang Parokya para agarang magamit sakaling magsagawa sila ng relief operation.

Ayon kay Fr. Ronie Pillos, Social Action Director ng nasabing Diyosesis, bukas din ang kanilang mga parokya sakaling may mangailangan ng evacuation.

Magugunitang una ng nagpahayag ng pag-aalalala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga lalawigan na maapektuhan ng bagyong Ompong kaya naman agad na nagpahayag ang Caritas Manila ng layunin na makatulong sa mga nasabing Diyosesis

Tinatayang nasa 31 probinsya ang makaranas ng epekto ng bagyong Ompong habang tinatahak ang direksyon pa kanluran.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,588 total reads

 14,588 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,916 total reads

 16,916 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,522 total reads

 3,522 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,280 total reads

 85,280 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,505 total reads

 179,505 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,994 total reads

 239,994 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,721 total reads

 253,721 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,699 total reads

 99,699 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top