Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nanghihingalong Mundo

SHARE THE TRUTH

 233 total views

Sumasabay sa malawakang krisis pangkalusugan ang nagbabantang pagkasira rin ng ating mundo.

We are running against time, kapanalig. Ayon sa mga eksperto, tumaas na ang temperatura sa ating  mundo ng 1.1°C ngayon, magmula noong Industrial Revolution. Kung tataas pa ito at lumampas ng 2°C, irreversible na o di na natin mababawi pa ang pinsala sa ating planeta.

Ang pangunahing rason ng pag-init ng mundo ay ang mataas na antas ng GHG emissions sa ating kalawakan. Ito ay mga emisyon na nagmumula sa ating pag-gamit ng enerhiya mula sa mga fossils fuels, langis, coal, at gas.

Kapanalig, sa ngayon, sa buong mundo, nanggagaling pa rin sa mga nonrenewable sources ang enerhiya, na isa sa malalaking dahilan ng pag-init ng mundo. Nung panahon ng malawakang quarantine sa buong mundo, kapanalig, hindi ba’t nakita natin na malaki ang nabawas ng emisyon, luminaw ang langit, ang umaliwalas ang hangin. Mainam sana kung laging mababa ang emisyon – kaya lamang nang muling magbukas ang mga ekonomiya, dahan-dahan ding tumaas ulit ang ating emisyon. Kung ating lamang sana mapapanatiling mababa ito, ating masasalba pa ang ating nag-iisang planeta mula sa mga masasamang epekto ng climate change.

Kaya lamang, mukhang hirap ang mundo talikuran ang pag-gamit ng enerhiya mula sa fossils at langis.  Mas mahal pa rin ngayon ang pagtaguyod ng mga renewable sources of energy gaya ng solar power, wind power, at hydropower. Kumpara sa fossils at langis na mas available na ngayon sa ating mundo, mas magastos, sa inverstors man o para sa karaniwang households, ang nonrenewable sources of energy.

Kaya lamang kapanalig, kung gastos o halaga ang pag-uusapan, mas may hihigit pa ba sa halaga ng buhay ng ating mundo at ng sangkatauhan? Ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng US Catholic Bishops, “Ang climate change ay hindi lamang tungkol sa ekonomiya o politika. Ito ay tungkol sa kinabukasan nating lahat. Ito ay tungkol sa pagprotekta sa tao at sa mundo.”

Ang pagkilos upang ating maagapan ang climate change sa pamamagitan ng paglipat o pag-shift sa mga renewable sources of energy ay isang kritikal na act of survival para sa sangkatauhan. Kailangan natin gawin ito dahil ayon sa mga eksperto, kung hindi natin napababa ang ating emisyon pagdating ng 2030, haharapin natin ang mga epekto ng climate change gaya ng malawakang pagbabaha, malalakas na bagyo, sobrang tagtuyot, at unti-unting pagkawala ng mga hayop at halaman na malaking banta sa katiyakan sa pagkain ng lahat.

Sumainyo Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,606 total views

 17,606 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,694 total views

 33,694 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,414 total views

 71,414 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,365 total views

 82,365 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,955 total views

 25,955 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 17,607 total views

 17,607 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,695 total views

 33,695 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,415 total views

 71,415 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,366 total views

 82,366 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,105 total views

 92,105 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,832 total views

 92,832 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,621 total views

 113,621 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,082 total views

 99,082 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,106 total views

 118,106 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top