Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total views

Kapanalig, minsan ba ay naitanong mo sa iyong sarili kung saan pupunta ang lahat ng ating nabiling mga gamit sa kalaunan?

Halimbawa, kapanalig, saan napunta ang nabili nating kotse noong mga 1980s? Nakahoy ba sila? Nakatambak lamang ba sila? Gaano kalaking espasyo ang kailangan ng mga scrap at lumang gamit gaya nito?

Kapanalig, naisip mo rin ba kung saan napunta ang mga lumang laruang plastic na ginamit mo at ng marami pang mga bata?  Nabulok lang ba sila? Na-recycle mo ba sila o napamana sa ibang bata?

Habang umaagos ang panahon, dumarami ang tao at ang kanyang mga nililikha at binibiling gamit. Sa kanyang paglikha at pagbili, naging responsible ba ang tao sa pag-gamit at pag-dispose ng mga ito? O patuloy lamang ang paglikha at pagbili, na walang alintana sa kahihinatnan ng mundo?

Ang “The Living Planet” report ng WWF at Global Footprint Network ay nagpapakita na ang tao ay kasalukuyang gumagamit  ng “30% more resources than the Earth can replenish each year.” Ang pag-gamit ng higit pa sa kayang ibigay ng ating mundo ay sumisira na ng kagubatan, lupa, hangin at tubig. Pumapatay na ito ng ibang mga “species,” pati ng tao. Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization,  tinatayang pitong milyong premature deaths ang dinudulot ng polusyon sa hangin kada taon.

Kapanalig, kailan tayo magigising? Kailan natin makikita na ang mundo ay halos maghingalo na sa paghihirap na dinudulot natin dito. Ang traffic na ating nirereklamo kapanalig, halimbawa, ay hindi lamang kawalan ng oras para sa tao. Ito rin ay araw-araw nagbubuga ng emisyon na sumisira sa ating kalawakan.

Ang ating mahal na si Pope Francis ay lagi sa ating nagpapa-alala ukol sa consumerism at over-consumption. Sa kanyang Laudato Si, sinabi niya na tayo ay konetakdo sa ating mundo. Anya “Ang daigdig ay ating tahanan, ngunit ngayon, ito ay tila nagmumukha ng tambakan ng basura.” Ito ay lubhang nakakalungkot dahil kapanalig, tumingin ka sa iyong paligid, tumingin ka sa langit. “Ang buong mundo ay nagpapakita ng walang hangganang pagmamahal ng Panginoon. Ang lupa, ang mga bundok, lahat ng ito, ay kanyang lambing.”

Kaya kapanalig, bawas-bawasan natin ang ating konsumpsyon, ayon lamang sa pangangailangan, hindi sa kasakiman. Sabi nga ni Pope Francis: “Less is more. A constant flood of new consumer goods can baffle the heart and prevent us from cherishing each thing and each moment.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 89,752 total views

 89,752 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 111,862 total views

 111,862 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 186,634 total views

 186,634 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 183,847 total views

 183,847 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang bayanihan

 89,753 total views

 89,753 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 111,863 total views

 111,863 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 186,635 total views

 186,635 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »
Scroll to Top