Taongbayan, hinimok na lumahok sa Black Friday crusade

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total reads

Hinimok ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity ang taumbayan na makilahok sa Black Friday protest laban sa pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, nakikiisa ang Simbahang Katolika sa panawagan ng taumbayan lalo na ang mga biktima ng diktaduryang Marcos.

Iginiit ni Bishop Pabillo na kalakip ng kapatawaran ay ang pagkakamit ng katarungan ay dapat ring harapin ng pamilyang Marcos ang kanilang pagnanakaw sa bayan noon at magpahanggang ngayon.

“Nanawagan po tayo sa ating mga kapanalig na makiisa sa kilos protesta ngayong Biyernes upang ipahayag ang ating damdamin, ang hindi natin pagsang – ayon sa paglilibing sa diktador na si Marcos doon sa Libingan ng mga Bayani. Sana makiisa po tayo upang ipakita na dapat may pananagutan, mananagot dapat sila sa kanilang ginawa. At hanggang sa ngayon wala pa silang pinanagutan at basta na lang binalewala ang ginawa nila,” panawagan ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Pinapurihan rin ni Bishop Pabillo ang inisyatibo ng ilang mga kabataan na akala ng ilan ay binabalewala lamang ang mga isyu ng bayan ngunit nakikisangkot upang hindi na muling maulit pa ang madilim na kasaysayan ng batas militar.

“Nakakatuwa na iyang mga kabataan na akala ng marami ay balewala sa kanila itong Martial Law ay sila mismo ay sariwa sa kanilang kaisipan, kamalayan na ayaw rin nilang mangyari ulit itong ganitong madahas na pagpapalakad ng pamahalaan,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nag – alay rin ng panalangin si Bishop Pabillo para sa mapayapang pagkilos ng mamamayan lalo na ngayong dumaraan muli ang bansa sa matinding krisis pulitikal at ligal.

Hiniling rin nito na makapagbukas ng kamalayan ang gaganaping Black Friday Crusade sa mga Filipino na si dating Pangulong Marcos ay hindi bayani.

“Diyos Amang mapagmahal, kami po ay nasa isa na namang sangang daan sa aming kasaysayan dito sa bansa. Kami po ay nagpapahayag ng aming mga hangarin para magkaroon ng tunay na katarungan lalong – lalo na sa mga biktima ng Martial Law. Kaya kami ay humihingi ng tulong sa protesta na ito na magkaroon ng kamalayan. Hinihiling rin po namin ang kaayusan at ang iyong tulong sa pagpapagahayag na ito. Ito ay hinihiling namin sa ngalan ni Hesukristo aming Panginoon,” panalangin ni Bishop Pabillo para sa mapayapang kilos – protesta laban sa Marcos Hero’s Burial.

Naitala ng Amnesty International ang may 70,000 tao na ikinulong, 34,000 ang biktima ng torture at 3,240 ang pinatay mula 1972 hanggang 1981 sa panahon ng martial law.

Samantala, una ng sinuportahan ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang kilos protesta na gaganapin bukas at inanyayahan ang mga administrator ng mga Catholic schools and universities na ipamulat sa mga estudyante ang tunay na nangyari noong dekada ‘70.

http://www.veritas846.ph/buhayin-muli-ang-diwa-ng-edsa-people-power/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,486 total reads

 23,486 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,578 total reads

 57,578 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,061 total reads

 94,061 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,272 total reads

 112,272 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,362 total reads

 195,362 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,925 total reads

 216,925 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 356,025 total reads

 356,025 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top