311 total views

Kapanalig, minsan ba ay naitanong mo sa iyong sarili kung saan pupunta ang lahat ng ating nabiling mga gamit sa kalaunan?

Halimbawa, kapanalig, saan napunta ang nabili nating kotse noong mga 1980s? Nakahoy ba sila? Nakatambak lamang ba sila? Gaano kalaking espasyo ang kailangan ng mga scrap at lumang gamit gaya nito?

Kapanalig, naisip mo rin ba kung saan napunta ang mga lumang laruang plastic na ginamit mo at ng marami pang mga bata?  Nabulok lang ba sila? Na-recycle mo ba sila o napamana sa ibang bata?

Habang umaagos ang panahon, dumarami ang tao at ang kanyang mga nililikha at binibiling gamit. Sa kanyang paglikha at pagbili, naging responsible ba ang tao sa pag-gamit at pag-dispose ng mga ito? O patuloy lamang ang paglikha at pagbili, na walang alintana sa kahihinatnan ng mundo?

Ang “The Living Planet” report ng WWF at Global Footprint Network ay nagpapakita na ang tao ay kasalukuyang gumagamit  ng “30% more resources than the Earth can replenish each year.” Ang pag-gamit ng higit pa sa kayang ibigay ng ating mundo ay sumisira na ng kagubatan, lupa, hangin at tubig. Pumapatay na ito ng ibang mga “species,” pati ng tao. Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization,  tinatayang pitong milyong premature deaths ang dinudulot ng polusyon sa hangin kada taon.

Kapanalig, kailan tayo magigising? Kailan natin makikita na ang mundo ay halos maghingalo na sa paghihirap na dinudulot natin dito. Ang traffic na ating nirereklamo kapanalig, halimbawa, ay hindi lamang kawalan ng oras para sa tao. Ito rin ay araw-araw nagbubuga ng emisyon na sumisira sa ating kalawakan.

Ang ating mahal na si Pope Francis ay lagi sa ating nagpapa-alala ukol sa consumerism at over-consumption. Sa kanyang Laudato Si, sinabi niya na tayo ay konetakdo sa ating mundo. Anya “Ang daigdig ay ating tahanan, ngunit ngayon, ito ay tila nagmumukha ng tambakan ng basura.” Ito ay lubhang nakakalungkot dahil kapanalig, tumingin ka sa iyong paligid, tumingin ka sa langit. “Ang buong mundo ay nagpapakita ng walang hangganang pagmamahal ng Panginoon. Ang lupa, ang mga bundok, lahat ng ito, ay kanyang lambing.”

Kaya kapanalig, bawas-bawasan natin ang ating konsumpsyon, ayon lamang sa pangangailangan, hindi sa kasakiman. Sabi nga ni Pope Francis: “Less is more. A constant flood of new consumer goods can baffle the heart and prevent us from cherishing each thing and each moment.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,468 total views

 13,468 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,112 total views

 28,112 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,414 total views

 42,414 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,116 total views

 59,116 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,936 total views

 104,936 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,469 total views

 13,469 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 28,113 total views

 28,113 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,415 total views

 42,415 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 59,117 total views

 59,117 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top