Dasal at kahilingan ng mga Pilipino, naiparating ng Papal Nuncio kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,097 total views

Inihayag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na kanyang naiparating kay Pope Leo XIV ang lahat ng mga panalangin at hiling ng mga Pilipino sa kanyang pakikipagpulong sa Santo Papa sa Vatican noong Hunyo.

Ayon kay Archbishop Brown sa kanyang naging Pastoral Visit On the Air sa Radyo Veritas ay kanyang naibahagi kay Pope Leo XIV ang mga pagbati, hiling at panalangin ng mga Pilipinong mananampalataya para sa ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

“Of course, as all you listeners can imagine, I brought every wishes and prayers of everyone here in the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Arsobispo, isang pambihirang karanasan din para sa kanya na makaharap ng personal si Pope Leo XIV sa kauna-unahang pagkakataon mula ng ito ay maging punong pastol ng Simbahang Katolika.

Pagbabahagi ni Archbishop Brown, bago pa man maging Santo Papa ay nakatrabaho na niya si Cardinal Robert Prevost noong 2023 bilang dating Prefect of the Dicastery for Bishops na nangangasiwa sa pagtatalaga ng mga Obispo sa iba’t ibang panig ng mundo.

“I knew Pope Leo XIV before he became Pope, since 2023 he’s been working in the Vatican that organizes the appointment of Bishops around the world, since the nuncio is kind of the ‘point man’ for that work, I’ve had a lot of contact the then Cardinal Prevost, I know him a little bit, but it is my first time to call Him ‘Holy Father’…” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Ayon sa Arsobispo, bahagi ng kanilang tungkulin bilang mga Apostolic Nuncio sa iba’t ibang bansa ang gabayan ang pinuno ng nasabing tanggapan ng Vatican upang makapagluklok ng mga lingkod ng Simbahan na naangkop na maging Obispo o pastol sa kawan ng Diyos.

Giit ni Archbishop Brown, tanging ang Santo Papa pa rin ang nagdidesisyon sa kung sino ang naaangkop at karapat-dapat na mailulok bilang Obispo batay sa pangangailangan sa iba’t ibang diyosesis o lugar sa daigdig.

“He is the one organizing the appointments of bishops throughout the world, but then of course the one who appoints a bishop is the Holy Father himself… Once a week, usually on Saturdays, the Prefect – the head, goes to the Holy Father with the appointments need to be made, and talks and explains the diocese and the process that taken place in order to determine the best candidate for the Diocese then in that meeting with the Prefect, the Pope makes the decision to appoint a bishop, but the ground work of that is done by the nuncios around the world.” Ayon pa kay Archbishop Brown.

Sa Pilipinas, apat na diyosesis pa ang walang nakaupong Obispo o nananatiling sede vacante na mga Diyosesis ng Boac, Kalibo, San Jose, at Tabuk.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 6,022 total views

 6,022 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 15,386 total views

 15,386 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 41,842 total views

 41,842 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 92,337 total views

 92,337 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 97,531 total views

 97,531 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top