Mamamayang Pilipino, inaanyayahan sa PACOM 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,031 total views

Inaanyayahan ni Divine Mercy 101 writer-producer and author Fr. Chris Alar, MIC ang kasalukuyang Provincial Superior ng Marian Fathers of the Immaculate Conception ang mga Pilipino sa ikalimang Philippine Apostolic Congress on Mercy o PACOM 2025.

Ayon sa pari magandang pagkakataon ito upang pagpanibaguhin at paigtingin ang pananampalataya sa diwa ng habag at awa ng Panginoon.

Hinimok ng Pari ang mananampalataya na samantalahin ang pagkakataon lalo’t isinasagawa ang PACOM tuwing ikatlong taon lamang.

“This congress will bless you and strengthen your mission, it is renewing our faith in the mercy of God growing deeper in hope and learning how-to live-in mercy in our daily lives,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alar.

Binigyang diin ni Fr. Alar na ang PACOM 2025 ay hindi lamang payak na pagtitipon ng mga deboto sa Banal na Awa kundi paanyaya ng higit na pagpapayabong ng misyong ipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa buong pamayanan.

“PACOM 2025 is more than just a conference, it’s a celebration to honor the past, rejoice in the present and be sent forth merciful love wherever we go in the future,” dagdag pa ni Fr. Alar.

Tinuran din ng pari ang mga magbibigay ng panayam sa tatlong araw na congress na makatutulong sa pagpalalim ng kamalayan at pang-unawa hinggil sa habag at awa ng Panginoon bilang ‘lifeline of souls’ ng sangkatauhan.

Itinakda ang PACOM 2025 sa August 28 hanggang 30 sa University of Southeastern Philippine Gymnasium sa Davao City kung saan inaasahan ang pakikilahok ng 3, 000 hanggang 5, 000 deboto.

Una nang hiniling ni WACOM Espiscopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mananampalataya ang pakikiisa at suporta sa PACOM 2025 na isang natatanging panahon para magbuklod ang mga deboto ng Divine Mercy para sa pagninilay at pagpapanibago.

Maaring bisitahin ang Facebook Page na PACOM 2025 kung saan mayroong itong registration fee na P4, 500 para sa conference kit at maaring magpadala sa pamamagitan ng BPI sa account name Apostolates of Mercy Archdiocese of Davao, account number 2883-0782-52.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 19,317 total views

 19,317 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 47,668 total views

 47,668 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 115,398 total views

 115,398 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 138,549 total views

 138,549 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 207,312 total views

 207,312 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top