Community based-healthcare, paiigtingin ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,492 total reads

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Camillian Fr. Dan Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC), kay Naval, Biliran Bishop Rex Ramirez sa masigasig na paglilingkod at paggabay bilang chairman ng komisyon.

Ayon kay Fr. Cancino, naging mahalagang haligi si Bishop Ramirez sa loob ng anim na taon, kung saan pinatatag nito ang misyong pastoral ng CBCP sa larangan ng kalusugan.

Magtatapos ang termino ni Bishop Ramirez sa November 30, 2025, at papalitan ni Imus, Cavite Bishop Reynaldo Evangelista bilang bagong chairman ng CBCP-ECHC.

“Maraming, maraming salamat kay Bishop Rex Ramirez… ginabayan ni Bishop Rex ang komisyon ng healthcare ng CBCP ng maraming taon sa kanyang presensya, sa kanyang karunungan, sa kanyang pagbibigay ng gabay,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Nagagalak rin si Fr. Cancino sa paghirang kay Bishop Evangelista, na inanunsyo sa 130th CBCP Plenary Assembly na ginanap sa Anda, Bohol noong July 5, 2025.

Sinabi ng Pari na puno ng pag-asa at sigla ang komisyon sa pagpasok ng panibagong yugto ng paglilingkod sa ilalim ng bagong pamunuan, tungo sa higit pang pagpapaigting ng mga programang pangkalusugan ng Simbahan.

“Siyempre,excited ang healthcare commission. Ano kaya ‘yung mga mangyayari sa ating komisyon? Pero coming from the different regional healthcare consultation ng mga different dioceses, may mga namumutawi tayong mga priority programs na ako sa tingin ko na si Bishop Rey ay talagang magbibigay ng gabay tungkol dito,” saad ni Fr. Cancino.

Kabilang sa mga pangunahing adbokasiya ng CBCP Healthcare Ministry ang pagbibigay ng espirituwal na kalinga sa mga pasyente at healthcare workers, sa pamamagitan ng mga chaplain, kabilang ang lay partners, upang mapalawak ng presensiya ng Simbahan sa mga ospital.

Ayon kay Fr. Cancino, layon din ng komisyon na palalimin ang ugnayan sa mga parokya at barangay, lalo na sa Basic Ecclesial Communities (BECs), upang maabot ang mas maraming maysakit sa mga pamayanan.
Tututukan din ng ECHC ang lumalalang kaso ng depression, anxiety, at suicide sa pamamagitan ng parish-based mental health program na nakabatay sa pananampalataya at espirituwalidad bilang mahalagang bahagi ng paggaling.

Bahagi rin ng programa ang pagpapaigting ng Community-Based Healthcare na nakatuon sa tuberculosis at iba pang karamdaman.

“Marami tayong mga chapters all over the country, 181 chapters, ng mga different healthcare groups under the parish na nagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan tungkol sa community-based healthcare program,” pagbabahagi ni Fr. Cancino.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,446 total reads

 12,446 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,573 total reads

 12,573 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 22,983 total reads

 22,983 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 79,389 total reads

 79,389 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 202,890 total reads

 202,890 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 287,115 total reads

 287,115 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,432 total reads

 175,432 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top