Obispo, umaasang ilalahad ni PBBM sa ika-4 na SONA ang totoong kalagayan ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,698 total views

Umaasa ang opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang totoong kalagayan ng bansa sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.

Ayon kay Taytay Bishop Broderick Pabillo, ang chairperson ng tanggapan, nawa’y iulat ng pangulo sa mga Pilipino ang patutunguhan ng bansa sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.

Tinuran ng obispo ang pahayag ni PBBM matapos ang 2025 midterm elections kung saan inihayag nitong baguhin ang mga taong naglilingkod sa mga ahensya ng gobyerno makaraang lumabas na mayorya sa mga Pilipino ang hindi kontento sa kanyang pamumuno.

“Gusto po sana naming marinig at sabihin niya [PBBM] sa atin the real score, kumusta na ang kanyang pamumuno. Gusto nating malaman ano ba ang gusto niyang gawin sa last 3 years ng kanyang pamumuno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas. Kabilang sa tinukoy ni Bishop Pabillo na dapat manindigan ang punong ehekutibo sa laban kontra korapsyon, pagbibigay pansin sa proseso ng impeachment complaint laban kay Vice Presindet Sara Duterte gayundin ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ng obispo na ang mga nabanggit na usapin ay mahalagang proseso upang marinig ang magkabilang panig at mahahayag ang katotohanan sa lipunan.

Aniya bilang lider ay dapat isulong ang katotohanan at mahalagang ipaalam sa publiko ang tunay na kalagayan ng bansa.

“Gusto natin marinig ang programa niya para magkaroon ng mas magandang governance. Hinahanap ng mga tao ay transparency at sana hindi matakot ang mga politiko na maging transparent, hindi sana paglalaruan lang ang ating political system na ang transparency ay nakadepende sa mga political alliances,” giit ni Bishop Pabillo. Nais din ni Bishop Pabillo na magbigay ulat ang pangulo sa kalagayang agrikultural ng bansa lalo’t patuloy pa ring nararanasan ng mamamayan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Umaasa ang opisyal na ipagpatuloy ng administrasyon ang sinimulang 20-piso kada kilong bigas na malaking tulong sa mga mahihirap sa bansa at nawa’y bigyang linaw ang mga programa sa sektor ng agrikultura lalo’t patuloy itong naapektuhan ng climate change.

Apela din ni Bishop Pabillo na magbigay ulat si Pangulong Marcos Jr. sa kalagayan ng sektor ng edukasyon sa bansa kasabay ng panawagang ayusin na lamang ang kasalukuyang K to 12 programs.

“Gusto din natin malaman ang tungkol sa education sana hindi na natin pakialaman ang K to 12, ayusin nalang natin dahil malaki na ang pinuhunan ng bansa sa program,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Sa July 28 ang ikaapat na SONA ni PBBM sa Batasang Pambansa kung saan inaasahang tatalakayin ang mga polisiya sa ekonomiya, imprastraktura, agrikultura, digitalization at national security.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 6,023 total views

 6,023 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 15,387 total views

 15,387 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 41,843 total views

 41,843 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 92,338 total views

 92,338 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 97,532 total views

 97,532 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top