Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 112,822 total reads

Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap o pag-hunting sa mga kalaban sa pulitika ng administrasyon. Lumalabas daw na gusto lang paalisin sa puwesto ang bise presidente at pagbawalan siyang tumakbo para sa anumang posisyon sa gobyerno, lalo na sa 2028.

Nalimutan yata ni Senador Zubiri na isa siyang senator-judge na didinig sa mga reklamong isinampa laban sa bise presidente. Bilang bahagi ng impeachment court, inaasahang impartial o walang kinikilingan ang mga husgado. Ang pangunahing trabaho ng mga senator-judges ay timbangin ang mga ilalatag na ebidensya sa kanila at ang mga paliwanag na maririnig nila. 

Hindi naman nag-iisa si Senador Zubiri. Lantaran din ang iba niyang kasamahan sa Senado sa kanilang pagkampi kay VP Sara. Pagkatapos ngang mag-convene ang Senado bilang impeachment trial na usad-pagong ang takbo hanggang sa ngayon, nakita si VP Sara na kasama sina Senador Imee Marcos at Senador Robin Padilla. Pagtitipon iyon sa Malaysia bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan noong isang buwan. Tinawag ni Senador Padilla na “susunod na pangulo” ang bise presidente. Ipinagmalaki naman ni Senador Marcos na matapang niyang ipinagtanggol si VP Sara. Pinagtawanan pa nga niya ang mga damit nila bilang hukom; pangit daw ang mga ito. Hinikayat niya ang mga OFW sa Malaysia na “manindigan para sa bayan, para sa Konstitusyon, [at] para sa ating bansa.” Ang “tunay na hukom ng bayan,” ayon sa kapatid ni Pangulong BBM, ay ang “malayang mamamayang Pilipino.”

Sa kabila nito, tahimik ang marami sa atin tungkol sa impeachment trial ni VP Sara at sa pagiging partial o may kinakampihan ng mga senator-judges. Mabibigat ang mga paratang kay VP Sara. Kasama sa mga ito ang paglabag sa Konstitusyon o culpable violation of the Constitution; pagtataksil sa tiwala ng taumbayan o betrayal of public trust; katiwalian o graft and corruption; at iba pang high crimes gaya ng panunuhol at pagbabanta sa buhay nina Pangulong BBM, First Lady Liza Araneta, at House Speaker Martin Romualdez. Ang impeachment trial ang mekanismo natin para panagutin ang isang mataas na opisyal ng gobyerno. 

Bakit napakahirap para sa ilang mga senador na gawin ang kanilang trabaho bilang mga huwes sa impeachment trial? Hindi natin maitatangging may halong pulitika ang impeachment ni VP Sara, pero dapat igalang ng ating mga senador ang responsabilidad na nakaatang sa kanila bilang mga miyembro ng impeachment court. Hindi na nga nila agad na inaksyunan ang isinampang reklamo at sadyang binabagalan ang proseso, halata pa ang kanilang pagkampi sa humaharap sa mga seryosong kaso. 

Akmang paalala sa kanila ang mababasa natin sa Deutoronomio 16:19: “Huwag ninyong pipilipitin ang katarungan at huwag kayong magtatangi ng tao ni tatanggap ng suhol sapagkat ang suhol ay bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.”

Wala tayong ebidensya kung may panunuhol sa mga senator-judges, pero hindi maitatago—o hindi nga nila itinatago—ang pagtangi o pagkiling nila. Wala pa man sila sa pagdedesisyon kung ia-acquit o iko-convict si VP Sara, malinaw na ang kanilang pagbalewala sa mga ebidensyang ihahain sa pagdinig. Lantarang pagtataksil ito sa kanilang tungkulin bilang mga senator-judges. Lantarang pambabastos ito sa ating mga demokratikong proseso ng pagpapanagot sa mga nasa kapangyarihan.

Mga Kapanalig, sintomas ang pagkiling ng mga senator-judges ng tinatawag na “political corruption.” Sa mga turo ng ating Simbahan, sinisira ng political corruption ang ating mga institusyon dahil inililihis nito ang mga lingkod-bayan natin—gaya ng mga senador—palayô sa kanilang tungkulin na kumilos para sa kabutihang panlahat. Kahit pakitang-tao lang, maging patas naman sana ang mga senator-judges sa impeachment trial ni VP Sara.

Sumainyo ang katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,873 total reads

 52,873 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,101 total reads

 103,101 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 223,681 total reads

 223,681 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,038 total reads

 274,038 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,099 total reads

 399,099 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 103,103 total reads

 103,103 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 223,683 total reads

 223,683 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,040 total reads

 274,040 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »
Scroll to Top