172 total views
Umaasa ang obispo ng Mindanao na maipatutupad ng bagong administrasyon ang tunay na disiplina sa mga mamamayan sa rehiyon.
Ayon kay Prelatura ng Isabela de Basilan bishop Martin Jumoad, umaasa siyang masusugpo na ng bagong administrasyon ang laganap na paggamit at bentahan ng illegal na droga sa Mindanao ng malalaking sindikato.
Kaugnay nito, pabor din ang obispo na maipatupad na ang liquor ban at makontrol na ang bentahan ng alak at ang curfew sa mga menor-de-edad mula alas 9 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Giit ng obispo, sa pamamagitan nito maiiwasan at mababawasan ang mga krimen at hindi magagandang nangyayari sa paligid at magkaroon ng kapayapaan ang bawat mamamayan sa rehiyon .
“That all drug lords will be apprehended. Control liquor sale and implement curfew for minors at 9 pm until 5 am. No more minus-one singing after ten in the evening.” Pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala una nang naitala ng United Nations na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng gumagamit ng illegal na droga sa buong Silangang Asya.
Nakapagtala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 9,850 anti-illegal drug operations na nagresulta ng 8,491 na pagkakahuli ng mga suspek.