Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging simple ni Duterte, umani ng papuri sa mga Obispo

SHARE THE TRUTH

 225 total views

Umani ng papuri sa mga Obispo ng Simbahang Katolika ang simpleng inauguration ni President-elect Rodrigo Duterte na gagawin sa Rizal ceremonial hall sa Malakanyang.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, napakagandang mensahe ang ipinaparating nito sa mamamayang Filipino na napakahalaga ang pagiging simple sa ating pang-araw araw na buhay.

Inihayag ng Obispo na ang pagiging simple sa lahat ng bagay ang napaka-gandang pag-uugali na dapat isabuhay ng mga Pilipino.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na isang magandang kultura sa mga Filipino na matutong mamuhay ng simple upang matugunan ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas na mas marami ang mahihirap kumpara sa mayayaman.

“I am happy about the simple inauguration. We need to be simple even in our way of life. Simplicity, an important value that we have to promote.”pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Itinuturing naman ni Boac Bishop Antonio Maralit na magandang halimbawa ang pagiging simple ng bagong presidente ng bansa sa sambayanang Filipino.

Ayon kay Bishop Maralit, magandang simulain ito at konkretong mensahe para sa isang tunay na pagbabago sa bansa.
Umaapela naman si Bishop Maralit sa mamamayang Filipino na ipanalangin si Duterte at mga makakasama niyang mamahala sa bansa na tunay nilang magawa ang kanilang tungkulin para sa isang tunay na pagbabago sa bansa.

Inihayag naman ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan Bishop Pedro Arigo na isang tumpak na halimbawa ang pagiging simple ni Duterte para sa mga naghihirap na Filipino.

Iginiit ni Bishop Arigo na nararapat lamang umiwas sa magarbong paggastos ang pamahalaan upang maging makatarungan sa mga milyun-milyong nagugutom na Pilipino.

Umaasa naman ang Obispo na mababawasan kung hindi man tuluyang maalis at maparusahan ang mga corrupt na opisyal sa bansa.

Nabatid sa mga pag-aaral na 40-mayayamang pamilyang Pilipino na kasali sa 2012 Forbes list of billionaires ang nagmamay-ari ng 76-porsyento ng Gross Domestic Product ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,779 total views

 15,779 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,739 total views

 29,739 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,891 total views

 46,891 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,120 total views

 97,120 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,040 total views

 113,040 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 26,342 total views

 26,342 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 3,916 total views

 3,916 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 42,339 total views

 42,339 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 26,262 total views

 26,262 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 26,242 total views

 26,242 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 26,242 total views

 26,242 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top