Paglilinaw ng Laiko: Hindi kasali ang mga laykong Katoliko sa 3-day rally ngayong Nobyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,681 total views

Nilinaw ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) na hindi kasali ang mga laykong Katoliko sa nakatakdang rally sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.

Ayon sa LAIKO, wala silang kinalaman sa anumang panawagan o pagkilos na may kaugnayan sa nasabing pagtitipon. Binigyang-diin ng grupo na mananatili itong tapat sa adhikain ng Simbahang Katolika na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagtalima sa tamang proseso ng katarungan sa lipunan.

“We are NOT part of the rally this November 16 to 18. The Catholic Laity will NOT participate in the said rally, and will NOT join in any call made in said rally,” bahagi ng opisyal na pahayag ng LAIKO.

Kasabay nito, muling ipinaalala ng LAIKO ang mensahe ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David noong Nobyembre 5, 2025, na nananawagan ng mapayapang pagkilos, pagkakaisa, at pagtalima sa batas.

Ayon sa mensahe ni Cardinal David, “We must choose the path of non-violence, constitutional order, and peaceful democratic participation. We firmly reject extra-constitutional shortcuts or calls to political adventurism. Our strength as a nation lies in our unity, our love for life, and our resolve to walk the hard path of truth, justice, transparency, and peace, through the democratic institutions we have struggled to build.”

Dagdag pa ng LAIKO, ang tunay na lakas ng bansa ay nakasalalay sa pagmamahalan, katotohanan, katarungan, at kapayapaan, na isinusulong sa ilalim ng demokratikong proseso.

Samantala, nanawagan din ang LAIKO sa lahat ng mananampalatayang Katoliko na manatiling mapayapa, magkaisa sa panalangin, at maging ilaw ng katotohanan sa gitna ng kaguluhan at maling impormasyon na kumakalat sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 12,793 total views

 12,793 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 34,068 total views

 34,068 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 207,558 total views

 207,558 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 228,910 total views

 228,910 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top