Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusulong ni Archbishop Capalla sa Ecumenical at Inter-religious dialogue, kinilala ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 24,304 total views

Tuluyan ng naihatid sa kanyang huling hantungan si Davao Archbishop-emeritus Fernando Capalla.

Pinangunahan ang funeral mass ni Davao Archbishop Romulo Valles katuwang si Cotabato Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo na nagsibilbing homilist at nagbahagi ng kanyang pagninilay sa banal na misang isinagawa sa San Pedro Cathedral ganap na alas-dyes ng umaga ng Lunes, ika-15 ng Enero, 2024.

Personal namang nagpaabot ng pakikiramay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pagpanaw ni Archbishop Capalla sa pamamagitan ng isang liham na ipinaabot ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin.

Nasasaad sa nasabing liham na binasa sa pagtatapos ng banal na misa ni Rev. Msgr. Paul Quizon – Vicar General ng Archdiocese of Davao, ang pakikiisa at pakikidalamhati ni Pope Francis sa lahat ng mga lingkod ng Simbahan at mananampalataya ng Archdiocese of Davao sa pagpanaw ni Archbishop Capalla.

Muli ring kinilala ng Santo Papa Francisco ang pambihirang dedikasyon ng napamayapang arsobispo na nakilala sa kanyang paninindigan sa pagsusulong ng ecumenical at interreligious dialogue.

“His Holiness Pope Francis was saddened to learn of the death of the Most Rev. Fernando R. Capalla – Archbishop-Emeritus of Davao and he sends heartfelt condolences to the clergy religious and lay faithful of the archdiocese. Recalling with gratitude Archbishop Capalla’s many years of dedicate episcopal ministry particularly his pastoral charity and commitment to promote the inter-religious dialogue.” Ang bahagi ng liham na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin.

Nakapaloob rin sa nasabihing liham ang pagtiniyak ng Santo Papa Francisco sa kanyang pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Archbishop Capalla gayundin para sa kapanatagan ng loob ng lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at nagluluksa para sa pagpanaw ng arsobispo.

“His Holiness commends the late Archbishop soul to the love and mercy of Christ, the good shepherd. To all who mourn his passing in the sure hope in the resurrection the Holy Father cordially parts his blessing as a pledge of consolation and peace in the Lord.” Ayon pa sa liham ni Cardinal Pietro Parolin.

Dinaluhan ang banal na misa ng mga kaanak at mga mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Davao gayundin ang iba pang mga Obispo mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pangunguna ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kung saan nagsilbi rin bilang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Archbishop Capalla mula taong 2003 hanggang 2005.

Pagbabahagi ni Bishop David, kahanga-hanga ang pagsasabuhay ni Archbishop Capalla sa diwa ng Synodality na isinusulong ng Santo Papa Francisco na pagsusulong ng pakikipagdayalogo at pagiging bukas para sa lahat ng mga sektor upang matugunan ang mga mahahalagang usapin dapat na pagtuunan ng pansin sa lipunan.

“Archbishop Capalla exemplify the principle of Synodality as promoted by Pope Francis which challenges us to live out the true meaning of Catholicity in the sense of openness to a social fraternity that transcends boundaries of faith, culture, politics and economics.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Davaid.

Inilagak ang labi ni Archbishop Capalla sa Dormitium de San Pedro na matatagpuan sa ibaba ng cathedral.

Si Archbishop Capalla ang ikatlong arsobispo ng Archdiocese of Davao na naglingkod ng halos 18-taon bilang punong pastol ng arkidiyosesis bago nagretiro noong February 11, 2012.

Nakilala rin si Archbishop Capalla para sa kanyang adbokasiya na pagsusulong ng Ecumenical at Interreligious Dialogue kung saan nagsilbi rin ang namayapang arsobispo bilang honorary president ng World Conference on Religion and Peace at kasaping miyembro ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue mula taong 1988.

Kabilang sa kanyang natanggap na pagkilala para sa pagsusulong ng interfaith dialogue ang San Lorenzo Ruiz Award for Peace and Unity noong 1991, Ateneo de Manila University Public Service Award for Peace noong 1998, at Aurora Aragon Quezon Peace Award for Peace Advocacy and Peace Building noong 2000.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 34,817 total views

 34,817 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 41,041 total views

 41,041 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 49,734 total views

 49,734 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 64,502 total views

 64,502 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 71,622 total views

 71,622 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

 1,922 total views

 1,922 total views Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar. Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Union of Bicol Clergy, itinakda

 2,226 total views

 2,226 total views Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia. Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

 2,304 total views

 2,304 total views Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance. Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Jaro, nagpapasalamat sa NHCP

 2,717 total views

 2,717 total views Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa dalawang restoration projects ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa convent at ceiling paintings ng Sta. Ana Parish Church sa Molo, Iloilo City. Naganap ang turn-over ceremony noong ika-8 ng Setyembre, 2024 kasabay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 5,037 total views

 5,037 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 5,428 total views

 5,428 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 5,290 total views

 5,290 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 6,883 total views

 6,883 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 7,332 total views

 7,332 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 7,365 total views

 7,365 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 8,070 total views

 8,070 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 13,090 total views

 13,090 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 13,026 total views

 13,026 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 11,869 total views

 11,869 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 14,244 total views

 14,244 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top