Palalimin ang debosyon kay Sto.Nino, panawagan ng Pari sa mga deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,918 total views

Hinimok ng pamunuan ng Sto. Niño de Pandacan Parish sa Manila ang mamamayan na ipagpatuloy ang debosyon sa batang Hesus.

Ayon sa Kura Paroko ng dambana na si Fr. Andy Ortega Lim mahalagang mas palalimin ang debosyon sa Sto. Niño tanda ng patuloy na pananalig sa dakilang pag-ibig ng Diyos.

“Patuloy ang ating debosyon sa Mahal na Poong Sto. Nino rito sa Pandacan sapagkat ito ay tanda ng ating pagpapasalamat sa patuloy na pagpapala sa atin gayundin ito ay tanda ng pagpapatibay ng ating pananampalataya,” pahayag ni Fr. Lim sa Radio Veritas.

Dalangin ni Fr. Lim na ipagkaloob ang kahilingan ng mga debotong dumudulog sa dambana ng ng Batang Hesus sa Pandacan.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Misang Maringal sa araw ng kapistahan nitong January 14 kung saan tampok ang pagprusisyon at pagluluklok sa imahe ng Sto. Nino sa dambana sa saliw ng Buling-buling ang tanyag na gawain tuwing kapistahan ng Pandacan.

Samantala, umapela ng tulong si Fr. Lim sa mananampalataya na tulungan ang patuloy na pagsasaayos ng simbahan na lubhang napinsala sa sunog noong 2020.

“Sana po tulungan nyo kami sa pagpapagawa ng simbahan na nasunog noong 2020 para ang mga parokyano at mga deboto na dumadalaw dito magkaroon ng bagong tahanan, bagong simbahan, ang ating Mahal na Poong Sto. Nino ay magkaroon din ng bagong luklukan,” saad pa ni Fr. Lim.

Matatandaang nasunog ang simbahan noong July 10, 2020 na ayon sa Bureau of Fire Protection ay bunsod ng faulty wiring.

Kabilang sa napinsala ng sunog ang Tres Potencias ng 400-year old na imahe ng Sto. Nino o ang andador, globo at krus na bitbit ng batang Hesus.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang pagpapagawa at pagsasaayos ng simbahan kaya’t umaapela ng suporta ang pamunuan ng Pandacan Church.

Sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng parokya sa telepono 02-8563-3211 o bisitahin ang kanilang official facebook page na https://www.facebook.com/stoninodepandacanparish para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 15,404 total views

 15,404 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 24,768 total views

 24,768 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 51,224 total views

 51,224 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 101,323 total views

 101,323 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 105,731 total views

 105,731 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top