Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakinggan ang mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 104,843 total views

Mga Kapanalig, ginunita noong ika-8 ng Nobyembre ang ikasampung anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda na isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo. Sa loob ng isang dekadang ito, marami pang mga matinding kalamidad o mga extreme weather events, na pinalubha ng climate change, ang tumama sa ating bansa. Batay sa hindi agarang pagtugon ng pandaigdigang komunidad sa krisis sa klima, asahan nating patuloy pang makararanas ng matitindi at mga mapaminsalang kalamidad ang buong mundo, lalo na ang mga bulnerableng bansa, katulad ng Pilipinas. Wika nga ni Pope Francis sa kanyang bagong apostolic exhortation na Laudate Deum, mabagal at hindi sapat ang kolektibong pagkilos natin upang tugunan ang lumalalang krisis sa klima. Isa sa mga pinakabulnerableng sektor sa climate crisis ay ang mga indigenous peoples o mga katutubo nating kapatid.

Sa Global Meeting of the Indigenous Peoples Forum noong Pebrero, binigyang-diin ni Pope Francis ang kahalagahan ng mga katutubo sa pagtugon sa krisis sa klima. Pahayag ng Santo Papa, kailangang mas makinig tayo sa kanila at matuto mula sa kanilang paraan ng pamumuhay upang higit nating maunawaang hindi natin maaaring ipagpatuloy ang pag-ubos sa likas na yaman ng mundo. Kasabay nito, nanawagan si Pope Francis sa mga pamahalaang irespeto ang dignidad at kultura ng mga katutubo at protektahan ang kanilang mga karapatan.

Hindi natatamasa ng maraming katutubo ang respetong ito. Marami sa kanila ang nakararanas ng karahasan at paglabag sa mga karapatang pantao na madalas ay kaugnay sa kanilang pagtatanggol sa kalikasan at sa kanilang komunidad. Ayon sa Panaghiusa, isang network ng mga grupong katutubo sa Pilipinas, may 126 na mga lider at miyembro ng indigenous communities mula 2016 hanggang 2021 na biktima ng extrajudicial killings (o EJK) sa ilalim ng nakaraang administrasyong Duterte. Ayon naman sa grupong Karapatan, may dalawang katutubong biktima ng EJK at isang katutubong biktima ng enforced disappearance sa unang taon ng administrasyong Marcos Jr. Maliban sa mga ito, laganap din ang militarisasyon sa mga indigenous communties at red-tagging, lalo na sa mga katutubong tumututol sa mining operations at dam projects. Lahat ng kawalang-katarungang nararanasan ng mga katutubo ay parte ng dahilan kung bakit isang dekada nang nananatili ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa Asya na pinakamapanganib para sa mga environmental defenders.

Kamakailan lamang ay bumisita sa Pilipinas ang UN Special Rapporteur on the promotion and protection of human rights in the context of climate change upang alamin kung paano nakaaapekto ang mga pangyayaring dulot ng climate change sa pagtamasa ng karapatang pantao. Nakipagdayalogo siya sa mga ahensya ng gobyerno at iba’t ibang organisasyon, at pinakinggan ang karanasan ng mga civil society, church, at indigenous peoples groups. Sa kanyang paunang report, iminungkahi niya ang pagbawi sa Anti-Terrorism Law at pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Aniya, nagbibigay-daan ang mga ito sa mga human rights violations at harassment ng mga environmental defenders. Bagamat binatikos ng ilang opisyal ng gobyerno ang rekomendasyon, sinuportahan naman ito ng iba’t ibang human rights at environmental organizations at ng mga katutubo.

Mga Kapanalig, likas sa mga katutubo ang pamumuhay na naaayon, nangangalaga, at nagbibigay-respeto sa kalikasan. Ang pamumuhay na ito ay kinikilala sa mga panlipunang turo ng Simbahan na mahalaga sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat o common good. Mahalagang kasama natin ang mga kapatid nating katutubo sa kolektibong pagkilos upang tugunan ang krisis sa klima. Marapat at makatarungan lamang na pakinggan natin ang kanilang mga boses at ipagtanggol natin ang kanilang dignidad at mga karapatan, katulad ng “[paggawad ng] katarungan sa api at mahihirap” na paalala sa Mga Kawikaan 31:8.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 4,936 total views

 4,936 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 23,963 total views

 23,963 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 19,319 total views

 19,319 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 28,029 total views

 28,029 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 36,788 total views

 36,788 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Eat Healthy This Christmas 2024

 4,937 total views

 4,937 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpapanagot kay VP Sara

 23,964 total views

 23,964 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 19,320 total views

 19,320 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 28,030 total views

 28,030 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 36,789 total views

 36,789 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 42,835 total views

 42,835 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 50,851 total views

 50,851 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 45,423 total views

 45,423 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 50,893 total views

 50,893 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 42,434 total views

 42,434 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 44,471 total views

 44,471 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 55,500 total views

 55,500 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 60,273 total views

 60,273 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 65,740 total views

 65,740 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 71,194 total views

 71,194 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top