Panatilihin ang Alab sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total views

Tatlong taon bago nagsimula ang pandemya noong 2017, naanyayahan ako na pangunahan ang pananalangin sa “retirement ceremony” ng kaibigan na dati ring kasamahan sa trabaho.

Nakatutuwa pala na makita at makausap muli mga dating kasamahan maging mga naging “bossing” namin na dati’y aming iniilagan dahil baka kami masabon.  Ganoon pala ang magka-edad, ang pumalo sa 50 anyos pataas, pare-pareho kaming nakasalamin at malalabo mga mata, mapuputi ang mga buhok at bago kumain, umiinom ng iba’t ibang mga gamot.

At ang mga usapan, puro “noong araw”!

Kaya naman hindi maiwasan magkumparahan sa bagong henerasyon at isang nakatatanda na retiree dati naming boss ang nagsabi, “bakit kaya mga bata ngayon maski 40 anyos na, bata pa rin?” 

Napagnilay ako ng katanungang iyon at habang nagkakasiyahan kami sa mga alaala ng aming kabataan, naalala ko ang mga kuwentuhan namin noon kasi ay bihirang-bihira mapag-usapan ang Diyos at mga tungkol sa Kanya gaya ng pagsisimba at mga paksang espiritwal maliban lamang na ako ay kanilang tatanungin lalo na kapag nasa lamayan.

Kaya nawika ko sa aking sarili “marahil kaya bata pa rin mga bata ngayon maski 40 anyos na” dahil nagkulang kaming nakatatanda, ang mga magulang at mga lolo at lola ngayon sa pagdiriin ng pangangaral at pagsasabuhay ng pananampalataya.

Pansinin po natin si San Pablo paano niya itinuring sina San Timoteo at San Tito bilang kanyang mga anak habang ipinagdiinan ang kanilang pagkamulat sa pananampalataya:  “Hindi ko malilimutan ang tapat mong pananampalataya, katulad ng pananampalataya ng iyong Lola Loida at ni Eunice na iyong ina.  Natitiyak kong taglay mo pa ngayon ang pananampalatayang iyon. Dahil dito, ipinaalala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil ng sarili” (1Tim.1:5-7).

Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2017.

Hindi ba nakakahiyang isipin na sa ngayon, ang mag-igib at maglinis ng bahay ay pawang mga “reality games” na lang sa telebisyon gayong ganito ang ating buhay noon?

Hindi ba nakakabahala na parang malaking balita ngayon yung makarinig ng mga tao na nagsusumakit sa pagsisikap na maging mabuti at marangal sa buhay at gawain?

Bakit mangha-mangha mga tao ngayon sa mga kuwento ng pagmamalasakitan ng pamilya at magkakaibigan gayong dapat naman ganoon talaga tayo sa buhay?

Hindi kaya masyadong na-spoil mga henerasyon ngayon, lahat ng kanilang hilig ay ibinigay ng mga magulang at lolo at lola di alintana masamang epekto sa gawi at pag-uugali ng mga bata?  At dahil nga “napanis” o na-spoil ang mga bata, pati ang disiplina ng buhay espiritwal gaya ng pagdarasal at pagsisimba ay napabayaan.

Opo, disiplina ang pagdarasal at pagsisimba. Kapag pinabayaan mga ito at nawala sa mga tao, wala na tayong igagalang na kapwa o lugar man lamang at pagkakataon dahil maski Diyos at simbahan hindi na kayang igalang pa.

Nananatili hanggang ngayon lalo sa ating nakatatanda at di lamang sa mga bata ang misyon ni Hesus kaya siya humirang pa ng pitumpu’t dalawang mga alagad na kanyang sinugo na mauna sa kanya (Luc.10:1-9).

Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019.

Tayo ang mga iyon sa panahong ito, tayong mga nakatatanda na dapat puno ng alab para sa Panginoon at Kanyang mabuting balita na hatid sa lahat na sa panahong ito ay litong-lito maski na sagana sa mga bagay na materyal.

Tayo ang inaasahan ni Hesus na gagabay sa maraming naliligaw ng landas, lalo na mga kabataan na ibig siluin at lapain ng mga nagkalat na “asong-gubat” sa gitna ng saganang anihin.

Tayo ang mga makabagong San Timoteo at San Tito, dalawang banal na nagparubdob ng alab para sa Diyos sa pagpapahayag nila noon sa salita at gawa na “Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo” (Luc. 10:9) dahil sila rin mismong dalawa ay naranasan ang sigasig sa pananampalataya ng kanilang mga magulang at ninuno noon.  Amen. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 67,073 total views

 67,073 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 89,183 total views

 89,183 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 164,703 total views

 164,703 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 163,810 total views

 163,810 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Wala na siya rito…

 1,566 total views

 1,566 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-6 ng Abril 2026 Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20

Read More »

He is not here

 1,187 total views

 1,187 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 05 April 2026 Photo by author, La Mesa Dam seen from Seventh floor of Our

Read More »

Holiness in Silence

 9,092 total views

 9,092 total views Lord My Chef Recipe for Holy Saturday, 04 April 2026 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2026. Ablessed Holy

Read More »

Holy Monday Prayer

 9,057 total views

 9,057 total views Lord My Chef Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Holy Monday, 30 March 2026 Isaiah 42:1-7 +++ John 12:1-11 Photo by author,

Read More »
Scroll to Top