Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte humingi ng palugit, sa isyu ng labor contractualization

SHARE THE TRUTH

 328 total views

Humihingi pa ng kaunting panahon ang Pangulong Rodrigo Duterte para ipatupad ang total ban ng labor contractualization.

Ito ang inihayag ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Duterte.

“Napakahaba na po ng struggle namin tungkol dito sa end contractualization, kaya hindi na namin bibitawan ito. Pero ang implication ho ng ganyang statement ay ung nagka-ayos ang labor coalition at ibang labor group na i-engage ang pangulong Duterte at bigyan sya ng legal frame work,” ayon kay Tanjusay.

Hindi rin sang-ayon ang TUCP sa inilabas na department order 174 na hindi naman tunay na magbibigay ng kasiguraduhan sa trabaho ng mga manggagawa.

Read:
Manggagawa, talo sa end ‘the end’ ng Endo

Sinabi ni Tanjusay, tiniyak naman ng Pangulo ang muling pakikipagpulong sa TUCP na itinakda sa ika-10 ng Mayo bagama’t wala pang ibang detalye na inilalabas ang Malacanang.

“Isyu ng contractualization, ‘yan pa rin ang surpresa ng Pangulo. Ibig ko sabihin, di sya tumalikod sa commitment sa amin na tanggalin ang contractualization. Sabi nya mag-draft kayo ng executive order at magkita tayo ulit sa May 10,” ayon pa kay Tanjusay.

Bukod sa isyu ng ‘endo’, kabilang sa hiling ng TUCP ang pagkakaroon ng P500 subsidy kada buwan para sa manggagawa lalu’t patuloy na bumababa ang purchasing power ng piso sa bansa.
Read:
P500 subsidy para sa mga manggagawa iginiit ng TUCP

Paliwanag pa ni Tanjusay, sinabi ng Pangulo na kailangan munang matanggal ang ilang mga balakid para tuluyang matanggal ang contractualization sa bansa, kabilang na ang mga usapin ng seasonal at project based workers.
Noong taong 1891 nang ilabas ni Pope Leo X111 ang encyclical na Rerum Novarum na layung bigyan pansin ang kalagayan ng mga manggagawa at kapitalista sa buong mundo at bigyang katarungan ang working class na isa sa susi ng pag-unlad ng bawat lipunan.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong January 2017, umakyat sa 6.6% ang unemployment rate sa bansa, mas mataas kumpara sa 5.7% noong nakaraang taon.

Base naman sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Station, 11.5 milyong pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap kumpara sa 10 milyong pamilya sa nakalipas na Disyembre.

Ang Pilipinas ay binubuo ng 69.4 milyong manggagawa may trabaho o wala na nasa edad 15 taong pataas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,613 total views

 8,613 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 20,096 total views

 20,096 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,785 total views

 35,785 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,567 total views

 36,567 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,290 total views

 46,290 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 93,363 total views

 93,363 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 89,278 total views

 89,278 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top