Papal awardees, nagpasasalamat sa Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,425 total views

Inihayag ng mga tumanggap ng Pro Ecclesia et Pontifice o Papal Award ang walang hanggang pasasalamat at kababaang loob.

Ayon kay Fernando Zobel de Ayala, Director ng Ayala Corporation at Bank of the Philippine Islands at Vice Chairman ng Caritas Manila na hindi niya inaasahang makatanggap ng pagkilala mula kay Pope Francis.
Sinabi ng opisyal ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa nakalipas na 33-taon ay ginagawa lamang niya tungkulin na maging daluyan ng pagmamahal at habag ng Panginoon sa kapwa.

” I never expected it, it was a great surprise but I am deeply honored, I am deeply grateful, but its really our chance to work with so many volunteers, they’re the one who really takes the credit, we’re just really part of it, we set some directions on the board, we try to give strategic inputs, we try to help in any way but credit realy goes to the whole community that helps Caritas help the Poor,” pahayag ni Ayala sa Radio Veritas.

Ipinangako naman ni Arnulfo Veridico – isa rin sa mga Papal Awardee at long-time volunteer ng Caritas Manila ang patuloy na pagsisilbi upang iparating sa mga mahihirap at pinakangangailangan ang tulong ng simbahan.

Ibinahagi ni Veridico sa Radyo Veritras na kasama ang pinamumunuang volunteers ay hindi nila alintana ang personal na pagbabahagi ng donasyon at serbisyo higit na tuwing may kalamidad o donation drive upang makapagpamahagi ng tulong sa kapwa.

“Hindi ko ine-expect na ang isang katulad kong volunteer ay mabibigyan ng award, maiko-consider, so napakalaking karangalan para sa akin nito, ito ay tatanawin kong napakalaking biyaya mula sa Panginoon dahil 50 years nakong naglilingkod at 20years na sa Caritas, sa lahat ng ginagawa ko, pati sa pagtulong sa mga mahihirap, hindi naman ako nag-eexpect ng kapalit so it’s a big blessing for me mabigyan ng ganitong award,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Veridico.

Bukod kay Ayala at Veridico, kasama ding pinarangalan ang tatlo pang opisyal at donors ng Caritas Manila na sila Ramon Del Rosario – Vice-chairman ng Board of Trustees ng Caritas Manila at CEO ng Philippine Investment and Management Corporation, Mr.Manuel Pangilinan na Board of Trustees ng Caritas Manila na siya ring Managing Director and CEO ng First Pacific at Pangulo ng Metro Pacific Investments ng PLDT-Smart at Manila Electric Company.

Kasama din nilang nilang lima sa pagtanggap ng Papal Award na pinakamataas na pagkilala na mula sa Santo Papa ang mga Laiko mula sa Archdiocesan Shrine ng San Jose De Trozo na sina Roselina Quismundo, Elmer Sy, Corazon Rodriguez at Tomasita Lim.

Unang ipinaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga Papal awardees na manatiling mapagkumbaba sa kabila ng pagtanggap ng parangal at ipagpatuloy ang pagsisilbi sa Panginoon upang makatulong sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,051 total views

 17,051 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,133 total views

 50,133 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,484 total views

 78,484 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,214 total views

 146,214 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,023 total views

 168,023 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top