Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mapinsalang operasyon ng mining sa Samar island, kinundena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 25,744 total views

Kinondena ng Caritas Philippines ang mapinsalang operasyon ng pagmimina sa Samar Island na lubos nang nakakaapekto sa mga iniingatang likas na yaman ng isla at mga pamayanan.

Ayon kay Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, patuloy na isinasantabi ng mining companies ang kapakanan ng mga apektadong pamayanan sa ngalan ng salapi na ang dulot ay labis na pinsala sa kalikasan.

“The devastating impacts on the environment and the lives of the people are a stark reminder of the urgency to act. We condemn the practices that prioritize profit over the well-being of individuals and ecosystems,” ayon kay Bishop Alminaza.

Ang pahayag ng obispo ay bilang pakikiisa at pagsuporta ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Island-wide Jericho Walk Prayer Assembly sa pangunguna ng Diocese of Borongan, na isinasagawa ngayong araw sa Guiuan, Eastern Samar.

Hinihiling ni Bishop Alminaza na nawa’y madinig ng pamahalaan ang hinaing ng mga apektadong pamayanan upang tuluyan nang ihinto ang pagmimina at iba pang gawaing nakapipinsala sa kalikasan at buhay ng mamamayan.

“We raise our voices in prayer, imploring the government to listen to the cries for climate justice. The call for responsible resource management and the protection of vulnerable communities must be heard and acted upon. We urge for a shift towards sustainable development models that prioritize the long-term health of our planet and its inhabitants,” ayon kay Bishop Alminaza.

Samantala, panawagan naman ni Caritas Ph executive director, Fr. Antonio Labiao, Jr. sa mga malalaking kumpanya na panagutan ang mga nilikhang pinsala ng pagmimina sa Manicani at Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Gayundin ang paghikayat sa pamahalaan na isantabi ang pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto, bagkus ay suportahan ang mga proyektong nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mamamayan at mga susunod na henerasyon.

“We stand by the communities seeking redress for the loss and damage caused by mining operations. The ecological destruction and the disruption of livelihoods demand accountability and reparations… We will walk alongside the communities affected by mining, advocating for their rights and seeking solutions that prioritize the common good,” ayon kay Fr. Labiao.

Tema ng Jericho Walk ang “No to Mining and Environmental Degradation in any parts of Samar”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,782 total views

 73,782 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,777 total views

 105,777 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,569 total views

 150,569 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,516 total views

 173,516 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,914 total views

 188,914 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 950 total views

 950 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,002 total views

 12,002 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,555 total views

 6,555 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top