Parents, hinimok na bantayan ang learning materials ng mga anak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,954 total reads

Hinimok ng Parents Advocacy for Children’s Education (PACE) ang mga magulang na maging mas mapagmatyag sa mga textbook at iba pang learning materials na ginagamit ng kanilang mga anak, kasunod ng mga tanong sa paglalagay ng konsepto ng gender affirmation sa mga kagamitang pang-edukasyon.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, binigyang diin ni PACE Founding Chairman Dr. Rey Vargas na mahalagang magkaroon ng masusing pag-uusap sa pagitan ng mga magulang, paaralan at mga gumagawa ng educational materials tungkol sa mga sensitibong usapin na may kaugnayan sa sexuality at gender.

Aniya, partikular na dapat isaalang-alang ang pangunahing papel ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak hinggil sa mga usaping ito.

“Kung sakaling ituturo natin ‘yung sekswalidad, ang priority dito, gaya ng sinabi nung Church documents natin, magulang po ang una dapat nagtuturo pagdating diyan.” Bahagi ng pahayag ni Vargas sa Radyo Veritas.

Kinuwestiyon din ni Vargas ang paglitaw ng konsepto ng gender affirmation sa ilang educational materials at sinabing dapat itong suriin sa konteksto ng mga pananaw at dokumento ng Simbahan hinggil sa pagkakaiba ng lalaki at babae.

“Kaya nagtataka nga po kami paano po biglang naisingit ‘yung gender affirmation, which I think the point is it is contrary to the Church document na ginawa ni Pope Francis nung 2014.” Dagdag pa ni Vargas.

Binigyang-diin niya na mahalagang maging bahagi ang mga magulang sa mga usaping may direktang epekto sa paghubog at edukasyon ng kanilang mga anak, lalo na sa mga sensitibong konsepto na ipinapakita sa mga textbook.

“Paanong napunta ‘yung gender affirmation, paanong biglang hinajack ng educational system natin, where in fact it’s supposed to be the first and fundamental obligation or responsibility of the parents?” Ayon kay Vargas.

Isa sa mga pangunahing tanong ng grupo ng mga magulang, ayon kay Vargas, ay kung ano ang layunin ng pagsasama ng gender affirmation sa mga educational materials at kung paano ito napasok sa sistema ng edukasyon.

Binigyang-diin din ni Vargas ang kahalagahan ng pagtingin sa edad at antas ng pag-unawa ng mga batang gagamit ng mga textbook, lalo na sa mga unang baitang.

“Kung ibabase po natin doon sa specifically ‘yung pahina ng libro, una-una, paano ba naisip ng Grade 1 ‘yung pusong babae saka pusong lalaki, ano po? Paano po nila naisip ‘yon kung unless ipapasok mo ‘yon sa kanilang kaisipan o kamalayan?” Ani Vargas.

Para kay Vargas, naging pagkakataon din ang isyu upang mas maging mulat ang mga magulang sa kanilang papel sa pagsubaybay sa mga materyales na ginagamit sa paaralan.

Ipinaalala niya na hindi lamang dapat umasa ang mga magulang sa mga impormasyong ibinibigay ng paaralan, kundi maaari rin silang maging aktibong bahagi sa pagsusuri ng mga kagamitang ginagamit sa pagkatuto ng kanilang mga anak.

“Siguro ang isang role natin dito, una sa lahat sa mga magulang, ay magkaroon din sana tayo ng obligasyon na busisihin ‘yung mga textbook na ginagamit ng mga estudyante natin.” Dagdag pa ni Vargas.

Ayon kay Vargas, mahalaga ring maging alerto ang mga magulang sa mga textbook bago pa man ito malawakang magamit sa mga paaralan, at magsagawa ng pagsusuri sa nilalaman ng mga ito.

“Mabuti ho at napansin ‘yan. Siguro panawagan na lang tayo na sana maging alerto din tayo, i-monitor din natin ‘yung mga textbook ng mga anak natin.” Ayon pa kay Vargas.

Sa gitna ng mga diskusyon tungkol sa gender at sexuality education, nanawagan ang PACE ng mas aktibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak at sa pagsusuri ng mga kagamitang ginagamit sa kanilang pag-aaral.

Kaugnay nito, itinuturing ng Simbahan ang mga magulang bilang pangunahing tagapagturo at tagahubog ng kanilang mga anak, habang mahalaga rin ang papel ng paaralan sa pakikipagtulungan sa pamilya.

Sa bahagi ng Simbahan ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang maghatid ng impormasyon kundi tumulong sa holistic na paghubog ng bata sa katotohanan, kabutihan at pananagutan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,654 total reads

 3,654 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,085 total reads

 56,085 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,451 total reads

 141,451 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,187 total reads

 188,187 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,059 total reads

 236,059 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,287 total reads

 337,287 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top