Cardinal Tagle, nanawagan sa lider ng mga bansa na wakasan na ang digmaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,340 total reads

Mariing nanawagan si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga lider ng mga bansa na wakasan ang mga digmaan at karahasan sa lipunan.

Ito ang apela ng kardinal sa kanyang homiliya sa funeral mass ng kanyang amang si Manuel ‘Tatay Maning’ Tagle Sr. sa Imus Cathedral nitong September 10.

Inalala ni Cardinal Tagle ang karanasan ng kanyang amang nakaligtas sa karahasan ng digmaan noong World War 2 na nag iwan ng malubhang pinsala sa pamayanan lalo na sa mga pamilya.

Pagbabahagi ng kardinal na 14 na taong gulang lamang noon si Manuel Sr. nang tamaan ng air raid ang lugar na kanilang tinitirhan at kapwa sila ng kanyang ama ang tinamaan na agad ikinasawi ng kanyang lolo, habang nakaligtas si Tatay Maning at dinala sa kanyang katawan ang mga shrapnel ng digmaan hanggang sa kanyang pagpanaw.

“Sa ngalan ni Tatay Maning: please, no more wars. No more widows—women who are made widows without any sense. Please, no more violence that will create wounded young people,” ayon kay Cardinal Tagle.

Dagdag pa ng kardinal na hindi lamang pisikal na sugat ang iniwan ng digmaan sa kanyang ama kundi maging sa kanyang isip at alaala.

“He bore in his body, in his mind, in his memory, the horrors of war,” saad pa ni Cardinal Tagle.

Iniugnay ng kardinal ang karanasan ng kanyang ama sa panawagan para sa kapayapaan at proteksiyon sa mga kabataang maaaring maging biktima ng karahasan.

Aniya, nakaligtas ang kanyang ama sa mga panganib ng digmaan dahil may komunidad at mga taong umalalay sa kanya at binigyang-diin na ang tunay na buhay ay nakaugat sa pakikipag-ugnayan at hindi sa pagkakawatak-watak.

“Life is in communion. Life is in relationship with God, with brothers and sisters, with the whole of society, with the whole of creation. That’s where we find life,” ani ng kardinal.

Sinabi rin ng kardinal na ang pagpanaw ay bahagi ng pagiging kumpleto ng kuwento ng isang tao subalit higit sa pagtatapos malinaw na inilahad sa pananampalatayang Kristiyano na ang kamatayan ay biyaya ng buhay na walang hanggan.
“Without death, no life is ever complete… It is the end that makes the story complete. That’s life. That’s the victory over death. It is not just, ‘You will rise again.’ It is, ‘You will be with me,’” ani Tagle, na tumutukoy sa pangako ni Hesus sa kriminal na ipinako sa krus kasama Niya.

Pumanaw si Manuel “Tatay Maning” Tagle Sr. noong September 6 sa edad na 96. Bago ang kanyang pagpanaw, ipinagdiwang niya at ng kanyang asawang si Milagros ang kanilang ika-70 anibersaryo ng kasal noong August 26 sa Imus Cathedral.

Bagamat nagluluksa, ikinalugod ng kardinal ang iba’t ibang kuwento ng mga taong nakasalumuha ni Tatay Maning at inilarawan bilang isang taong tahimik na naglingkod sa kapwa—bilang Eucharistic minister na naghahatid ng Banal na Komunyon sa mga maysakit at tumutulong sa mga kabataang nangangailangan.
Ayon kay Cardinal Tagle na ang buhay ni Tatay Maning ay isang patotoo na ang kamatayan ay hindi paghihiwalay kundi pagpasok sa walang hanggang pakikipag-ugnayan sa Diyos.

“Others may forget you, but with God remembering you, time is healed by eternal memory.”

Katuwang ni Cardinal Tagle sa banal na misa ang mga lider ng simbahan sa bansa kabilang sina Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, iba pang mga obispo at pari.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,664 total reads

 3,664 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,096 total reads

 56,096 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,462 total reads

 141,462 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,198 total reads

 188,198 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,070 total reads

 236,070 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,297 total reads

 337,297 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top