Huwag hayaang mauwi sa galit ang pagkakaiba ng pananaw, panawagan ni Archbishop Uy sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,574 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga Pilipino na huwag hayaang mauwi sa galit at pagkamuhi ang pagkakaiba ng kanilang pananaw, lalo na sa gitna ng matinding pagkakahati ng lipunan.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo, binigyang-diin ng arsobispo ang panawagan ni Hesus na mahalin ang kaaway, gumawa ng mabuti sa mga napopoot at ipanalangin ang mga nananakit.

Ayon kay Archbishop Uy, maaaring hindi magkasundo ang mga tao sa politika at iba pang usapin, subalit hindi ito dahilan para mawala ang paggalang sa kapwa.

Nagbabala rin ang obispo laban sa pagturing sa ibang tao batay lamang sa kanilang political label o paninindigan.

“These are difficult words. But perhaps these are exactly the words our country needs to hear today. We are becoming very polarized. Politics divides us. Elections divide us. Social media divides us. Sometimes even families and friends become divided because of different opinions,” ayon sa mensahe ni Archbihop Uy.

Giit ni Archbishop Uy, dapat tutulan ang korapsyon, kawalang-katarungan at pang-aabuso, subalit hindi dapat mawala ang pagkilala sa dignidad ng taong hindi katulad ng pananaw.

Binigyang-diin din ng arsobispo na hindi dapat tularan ang maling ginagawa ng ating kinakalaban.

Kung tutol sa kasinungalingan, hindi dapat magsinungaling. Kung tutol sa pambu-bully, hindi rin dapat mang-bully, lalo na sa social media.

“If we oppose lies, let us not spread lies ourselves. If we condemn bullying, let us not bully others online. If we oppose hatred, let us not become hateful. If we fight corruption, let us make sure there is no corruption in our own lives,” ayon sa Facebook post ni Archbishop Uy.

Para kay Archbishop Uy, hindi galit ang sagot sa galit.

Sa halip, hinikayat ng punong pastol ng Cebu ang mga mananampalataya na maging tagapagtayo ng tulay sa halip na pader, at matutong gumalang at magmahal sa kabila ng magkakaiba ng pananaw.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,758 total reads

 2,758 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,603 total reads

 54,603 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,969 total reads

 139,969 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,705 total reads

 186,705 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,577 total reads

 234,577 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,931 total reads

 335,931 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top