Hospital arrest kay Romualdez, tinututulan ng OMBUDSMAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

Mariing tinututulan ng Office of the Ombudsman ang kahilingan para sa patuloy na hospital arrest ni dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa mambabatas.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano na bagama’t may pangkalahatang patakaran na ang isang inarestong akusado ay dapat i-detain ito sa isang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility, kung saan may mga pagkakataong ginagamit umano ang kondisyon sa kalusugan bilang dahilan upang manatili sa ospital.

Iginiit din ng opisyal na dapat matiyak na hindi nagagamit ang mga procedural na hakbang upang maantala ang paglilitis.

“Parang nagiging template of some sort ang ganitong scheme o parang trick, ‘no? And parang butas po ‘yan sa ating mga rules dahil supposedly, ‘pag na-commit ka na po, ‘pag mayroon nang warrant of arrest, ang general rule ay talagang kailangan kang ma-detain sa isang BJMP na facility.” Bahagi ng pahayag ni Clavano sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Clavano na naghain ang Ombudsman ng opposition sa motion para sa continuous hospital arrest, dahil ayon sa kanilang mga prosecutor, ang mga karamdamang idineklara ng kampo ng dating Speaker ay maaaring ma-manage nang hindi kinakailangang manatili siya sa ospital.

“Kami po kahapon, nag-file din kami ng opposition diyan dahil po una, parang ang napansin po ng mga prosecutor ho natin ay hindi naman po appropriate na i-hospital pa ang accused dito dahil ‘yung mga sakit naman po na dineclare nila ay pwede namang i-manage galing sa labas.” Dagdag pa ni Clavano.

Hiniling din ng Ombudsman na maging transparent ang proseso sa pagsusuri sa kondisyon ng dating Speaker, kabilang ang pagsasapubliko ng resulta ng mga medical records at findings na may kaugnayan sa kanyang kalusugan, alinsunod sa magiging pasya ng korte at naaangkop na mga patakaran sa privacy.

“Hiningi po namin ng mga prosecutors na isapubliko po ‘yung mga resulta ng mga medical records at medical findings kay former Speaker Romualdez para makita po ng buong taumbayan kung ano ba talaga ‘yung sakit ni former Speaker. Dahil ‘yun po ‘yung kailangan natin masanayan ulit, ‘no? ‘Yung transparency na tinatawag.” Ayon pa kay Clavano.

Samantala, iginiit ni Clavano na malaki ang kasong plunder na kinakaharap ng dating House Speaker at naniniwala ang mga prosecutor na sapat ang ebidensiyang nakalap nito upang umusad ang kaso sa paglilitis.

Ipinaliwanag din ni Clavano na mas mataas ngayon ang pamantayang ginagamit ng Ombudsman sa pagsusuri ng ebidensya bago magsampa ng kaso, na tinatawag na “reasonable certainty of conviction.”

“So ang threshold naman po, ‘yung tinatawag na reasonable certainty of conviction. So ang ibig sabihin niyan, each element po ng crime, kailangan satisfied na po ng ebidensya.” Ani Clavano.

Ayon kay Clavano, kabilang sa kailangang mapatunayan sa kasong plunder ang pagiging public officer ng akusado, ang pagkakaipon o pagkamal ng ill-gotten wealth sa pamamagitan ng mga gawaing tinukoy sa Plunder Law, at ang halagang higit sa P50 milyon.

Sinabi ni Clavano na umaabot umano sa P7.4 bilyon ang halagang pinag-uusapan sa kaso, na higit na mataas sa itinakdang threshold para sa plunder.

“So dito naman, 7.4 billion pesos po ang pinag-uusapan, more than 150 times ‘yung threshold na 50 million. So sa amin, umabot na po ‘yung ebidensya doon sa punto na it reaches the point of reasonable certainty of conviction. Malakas po, malakas ho talaga.” Dagdag pa ni Clavano.

Binigyang-diin ng Assistant Ombudsman na nais ng prosecution na agad magsimula ang paglilitis upang maiharap na sa korte ang mga ebidensiyang nakalap ng kanilang investigative teams.

“We are the prosecutors, ma’am, in this case. So we will now be presenting the evidence po na na-collect at na-gather ng mga investigative teams ho natin. Hopefully, sa lalong madaling panahon, eh maging continuous trial po at hindi na siya tatagal ng ilang taon pa.” Dagdag pa ni Clavano.

Nilinaw naman ni Clavano na hindi awtomatikong makahahadlang sa paglilitis ang hospital arrest dahil nasa Sandiganbayan na ang jurisdiction sa kaso.

Gayunman, sinabi niyang mahalagang matiyak kung tunay na kinakailangan ng dating Speaker ang patuloy na pananatili sa ospital.

Ayon pa kay Clavano, nais ni Ombudsman Jesus Remulla na isang panel of doctors, kabilang ang isang independent third party na itatalaga ng Sandiganbayan, ang magsuri sa kondisyon ni Romualdez upang matukoy kung kinakailangan talaga ang hospital confinement.

“Sabi niya kailangan panel of doctors ‘yan ‘yung magpe-check sa kanya, hindi pwedeng private doctors at ‘yung sarili niyang doctors, dapat may third party na i-appoint ang Sandiganbayan para ma-check talaga kung talagang kailangang i-hospital si former Speaker.” Pagbabahagi ni Clavano.

Paliwanag ng opisyal, kung mapagpasyahang hindi kinakailangan ang hospital arrest, sinabi ni Clavano na igigiit ng Ombudsman ang agarang paglipat kay Romualdez sa BJMP facility.

“Dahil kung hindi, we will move in the Sandiganbayan na immediately i-transfer si former Speaker sa BJMP, sa New Quezon City Jail. ‘Yun po talaga ang gusto namin.” Ani Clavano.

Samantala, sinabi ni Clavano na nais din ng Ombudsman na matiyak na hindi makakaiwas sa proseso ng batas ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong isinampa ng kanilang tanggapan, kabilang ang mga sinasabing nasa labas ng bansa.

Sa kaso ni Romualdez, sinabi niyang may kaugnayan ang mga alegasyon sa infrastructure projects at flood control.

Gayunman, iginiit ng Ombudsman na ang kanilang tungkulin bilang prosecutors ay ipakita sa korte ang ebidensiya at hayaan ang Sandiganbayan na magpasya batay sa batas at mga ebidensiyang ihaharap sa paglilitis.

Sa bahagi ng Simbahan, mahalagang bahagi ng pagtataguyod sa kabutihang panlahat ang pananagutan sa pampublikong tungkulin ng mga halal na opisyal ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 35,206 total reads

 35,206 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 57,405 total reads

 57,405 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 93,905 total reads

 93,905 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 314,531 total reads

 314,531 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 347,121 total reads

 347,121 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top