Patuloy na pagsasawalang bahala sa karapatang pantao, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,530 total views

Kinondena ng iba’t-ibang human rights groups sa isinagawang kilos-protesta sa Boy Scout of the Philippines monument ang patuloy na kawalan ng paggalang sa karapatang pantao sa bansa.

Ang pagkilos ay kasunod ng pagkakapatay sa retiradong pari na si Father Marcelito Paez ng Diocese of San Jose Nueva Ecija ng mga hindi kilalang salarin.

Iginiit ni Promotion of Church Peoples Response spokesperson at Rise Up for Life and for Rights convenor Nardy Sabino na lubhang hindi katanggap-tanggap sa mata ng Diyos at mata ng lipunan ang pagpaslang sa mga taong pumapanig sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

Binigyan diin ni Sabino na ang pagpatay sa pari ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao, pag-abuso sa kapangyarihan at pagsasantabi sa dignidad ng mga nasa laylayan ng lipunan.

“Ang implikasyon na ipinapakita nito na wala tayong maasahang paggalang sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte at mahalaga na maunawaan ng mga mamamayan ang sitwasyon at kumilos laban sa patuloy na pag-atakae sa karapatang pantao,” pahayag ni Sabino.

Sa ulat, si Fr.Paez ay binaril ng 9 na beses dakong alas-otso kagabi habang nasa kanyang sasakyan sa San Leonardo, Nueva Ecija na kauna-unahang pari na pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sinasabing bago ang pamamaril ay galing si Fr. Paez sa Provincial Jail ng Cabanatuan City kung saan tinulungan nitong makalaya ang political detainee na si Rommel Tucay – isang lider magsasaka na inaresto noong Marso.

Dahil sa madugong insidente, inihayag ni Roneo Clamor,Deputy secretary General ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights na walang saysay ang “Oplan Kapayapaan” ng kasalukuyang administrasyon dahil tanging kaharasan at kawalang seguridad ang nararansan ng mga mamamayan.

“The Duterte administration has gone wild going after those critics of his government whether they are from church sector or whether they are from legitimate people’s organization. We challenge the Duterte administration to condemn this latest killing against Fr. Tito Paez. This must be immediately investigated and perpetrators of these human rights violations must be held into account,” panawagan ni Clamor.

Kaugnay nito, kapwa umaasa ang PCPR at Karapatan sa mabilis na maisasagawa ng gobyerno ang imbestigasyon sa likod ng pagpatay kay Fr. Paez na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao ng mga manggagawa at magsasaka.

Una nang kinondena ng Diocese ng San Jose Nueva Ecija ang marahas na pagpaslang at umaasang makakamit ang katarungan para sa paring pinatay.

Read: Pagpaslang sa pari ng Diocese of San Jose, kinondena

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 82,608 total views

 82,608 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 104,718 total views

 104,718 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 179,788 total views

 179,788 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 177,596 total views

 177,596 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 203,831 total views

 203,831 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top