Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

SHARE THE TRUTH

 38,739 total views

Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of Sant’Egidio na ginanap sa Colosseum sa Roma.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga lider mula sa iba’t ibang relihiyon—Kristiyano, Muslim, Hudyo, Budista, at Hindu—bilang bahagi ng taunang Meeting for Peace: Religions and Cultures in Dialogue.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pope Leo na ang tunay na kapayapaan ay bunga ng pagkakasundo at pag-uunawaan, hindi ng digmaan o karahasan.

“We have prayed for peace according to our diverse religious traditions and we are now gathered together to proclaim a message of reconciliation. Conflicts are present in all parts of life, but war is no help in dealing with them or finding solutions. Peace is a constant journey of reconciliation,” ayon sa mensahe ng Santo Papa.

Ayon pa sa pinunong pastol, ang pananalangin at pag-uusap ang pinakamabisang daan tungo sa pagkakaisa ng sangkatauhan.

Nagbabala rin ang Santo Papa sa mga taong gumagamit ng relihiyon para bigyang-katwiran ang karahasan, at ipinaalala na ang tunay na pananampalataya ay dapat magbukas ng puso at magdala ng pag-ibig at pagkakasundo.

Kasabay ng paggunita sa ika-60 anibersaryo ng Nostra Aetate, ang dokumentong nagtataguyod ng diyalogo sa pagitan ng mga relihiyon, ipinaalala ni Pope Leo na tungkulin ng bawat tao at pinuno na itaguyod ang kapayapaan at labanan ang pagkamuhi at pagkakawatak-watak.

Nanawagan din siya sa mga lider ng pamahalaan na gampanan ang kanilang pananagutan sa harap ng Diyos sa pagtataguyod ng kapayapaan, at huwag hayaang lumaganap ang digmaan at pagkawasak.

Pinangunahan din ng Santo Papa ang pananalangin, kasabay ng pagpapaalala na ang digmaan ay hindi kailanman banal, dahil tanging kapayapaan lamang ang tunay na kalooban ng Diyos.

“War is never holy; only peace is holy, because it is willed by God,” giit pa ni Pope Leo XIV.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 45,004 total views

 45,004 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,485 total views

 82,485 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,480 total views

 114,480 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,207 total views

 159,207 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,153 total views

 182,153 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,249 total views

 9,249 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,728 total views

 19,728 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top