Sambayanang Pilipino, hinimok na makilahok at maging mapanuri sa impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,509 total reads

Hinikayat ni House impeachment spokesperson at Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang publiko, lalo na ang kabataan, na makilahok at maging mapanuri sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay Co, mahalagang bantayan ng mamamayan ang proseso upang matiyak na magiging patas at nakabatay sa ebidensya ang paglilitis.

“Dapat po ebidensya. Hindi loyalty to one personality, hindi dapat 2028 prospects, pero ebidensya at syempre prinsipyo,” ayon sa mambabatas.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi lamang dapat maging tagamasid ang publiko kundi aktibong makiisa sa mga talakayan, maging sa social media o sa komunidad, kaugnay sa usapin ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Co, mahalaga ang boses at pagbabantay ng taumbayan upang matiyak na magiging patas at makatarungan ang impeachment proceedings laban sa Bise Presidente.

Nanawagan din ang mambabatas sa mga senador na pairalin ang ebidensya at prinsipyo sa pagpapasya, at huwag hayaang maimpluwensyahan ng politika o personal na interes ang magiging hatol.

Dagdag pa ni Co, “Panawagan po ito sa lahat ng senators, panawagan po ito sa lahat ng mamamayan: basahin natin, i-engage natin ang ebidensya at gamitin natin ito sa pagmamatyag mismo kung anong dapat tatahakin nating landas para ma-ensure na accountability is always present.”

Patuloy namang naghahanda ang House prosecution panel para sa paglilitis kaugnay ng mga reklamong kinahaharap ni Duterte kabilang ang culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang malalaking krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 53,088 total reads

 53,088 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 149,707 total reads

 149,707 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 193,976 total reads

 193,976 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 217,085 total reads

 217,085 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 289,831 total reads

 289,831 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top