Pagputol ng malalaking puno sa Quirino avenue, kinondena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,779 total reads

Mariing kinondena ng Caritas Philippines ang malawakang pagputol ng mga malalaking puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila na inilarawan nitong karahasang pangkalikasan laban sa mamamayan, lalo na sa mahihirap na higit na apektado ng matinding init, polusyon, at pagbaha.

Ayon kay Caritas Philippine President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hindi simpleng usaping teknikal o administratibo ang pagputol sa mga puno dahil matagal nang nagsisilbing proteksyon at “baga” ng komunidad ang mga ito para sa mga pasaherong araw-araw bumabiyahe, manggagawa, at pamilyang nakararanas ng matinding urbanisasyon.

Dagdag ni Bishop Alminaza, ginagawang kapalit ng tinatawag na kaunlaran ang pagkasira ng kalikasan at kapakanan ng mahihirap upang bigyang-daan ang panibagong expressway project sa lungsod.

“Why must “development” always demand the sacrifice of the vulnerable? Why are our cities designed for vehicles and concrete instead of for children, workers, pedestrians, and the elderly?” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ng Caritas Philippines na hindi lahat ng legal sa papel ay moral na katanggap-tanggap, lalo na kung nagdudulot ito ng kawalang-katarungang pagtrato sa kalikasan at lalong nagpapahirap sa mga maralita.

Iniugnay din ni Bishop Alminaza ang insidente sa panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ laban sa “throwaway culture” na itinuturing na madaling isantabi ang kalikasan at mahihirap alang-alang sa pagpapalawak ng negosyo at imprastraktura.

“This is not stewardship. This is environmental injustice. The climate crisis is a present, urgent and unquestionable reality. In Manila, every mature tree destroyed is a moral failure. It is a wound inflicted on our common home,” giit ni Bishop Alminaza.

Nanawagan naman ang Caritas Philippines sa mga kinauukulan at contractor na agad ihinto ang pagputol ng mga puno, muling suriin ang mga proyekto batay sa katarungang pangkalikasan, at pakinggan ang mga pamayanang umaasa sa nalalabing luntiang espasyo sa lungsod para sa kanilang kaligtasan at kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,554 total reads

 51,554 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 148,234 total reads

 148,234 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,503 total reads

 192,503 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,612 total reads

 215,612 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,454 total reads

 288,454 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,757 total reads

 145,757 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top