News:

Prison Awareness Sunday 2023

SHARE THE TRUTH

 12,356 total views

Mga Kapanalig, kahapon ay ginunita natin ang Prison Awareness Sunday o ang Linggo ng Kamulatan sa mga Bilanggo. Itinakda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang paggunitang ito tuwing huling Linggo ng Oktubre upang bigyang-pansin ang kalagayan at itaguyod ang mga karapatan ng mga kapatid nating bilanggo o persons deprived of liberty (o PDL). Sa taong ito, ang tema ng paggunita ay “Ang Pamayanang Koreksyonal: Magkakasamang Naglalakbay at Nagtataguyod ng Misyon ng Pagmamahal.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pakikilakbay sa buhay ng mga PDL at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan bilang bahagi ng misyon ng Simbahang Katolika. 

Mabigat ang mga hamong kinakaharap ng sistemang pangkatarungan sa bansa, lalo na ng pamayanang koreksyonal. Ayon sa Bureau of Corrections (o BuCor), mayroong mahigit limampung libong PDL sa bansa hanggang nitong Hunyo. Nagsisiksikan sila sa pitong pangunahing bilangguan sa bansa na  kasya lamang para sa labindalawang libong PDL. Katumbas ito ng congestion rate na 321%. Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga naka-ditene sa mga lokal na piitan habang hinihintay ang hatol ng hukuman. Ayon sa 2022 audit report ng Commission on Audit sa Bureau of Jail Management and Penelogy, may mahigit isandaan libong PDL sa mga lokal na piitan gayong kasya lamang ang mga ito para sa apatnapu’t anim na libong PDL. Katumbas ito ng congestion rate na 367%. 

Hindi makatao ang kalagayan ng mga kapatid nating PDL sa mga siksikang bilangguan at piitan. Wala silang maayos na tulugan at hindi sapat ang sirkulasyon ng hangin, kaya mataas ang tiyansang magkahawaan sila ng sakit. Bunga ang malasardinas na kalagayan ng mga PDL ng iba’t ibang hamon sa sistemang pangkatarungan. Kasama sa mga ito ang mabagal na usad ng mga kaso sa mga korte (dahil na rin sa kakulangan ng mga hukom), madalas na pag-postpone ng mga pagdinig, at kakulangan ng mga piitan mismo. Ayon sa BuCor, sinusubukan nitong tugunan ang mga suliraning sakop ng ahensya. Ilan sa mga ito ay ang pagkuha ng karagdagang personnel, pagpapabilis sa pagproseso sa papeles ng mga PDL na maaari nang lumaya, at pagsasaayos ng mga piitan. 

Itinuturo sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng mga piitan upang maituwid ang mga maling nagawa ng mga nagkasala sa batas. Daan dapat ito sa kanilang pagsisi at pagbabalik-loob. May mga piitan, hindi lamang upang protektahan ang publiko mula sa mga krimen, ngunit para din maging instrumento ng pagbabagong-buhay ng mga nagkasala. Kinikilala ng pagtinging ito ang dignidad ng bawat tao sa kabila ng mga maling nagawa. Binibigyang-diin din nitong walang hindi maisasalba ang pagmamahal ng Diyos. Lahat ng tao ay may pag-asang magbago at magsimulang muli. 

Sa kasamaang palad, malaking hadlang sa hangaring bigyan ng bagong buhay ang mga PDL ang kaawa-awang kalagayan ng mga bilangguan sa bansa. Paano sila mangangarap ng bagong bukas kung inaabot ng maraming taon ang pagdinig sa kanilang mga kaso? Paano sila makalilinang ng mga kakayahang maaari nilang magamit sa kanilang paglaya kung hamon araw-araw ang magkaroon ng espasyong makikilusan? Paano sila magsisimulang muli kung hindi makatao ang kalagayan ng mga piitang kinalalagyan nila?

Mga Kapanalig, sinabi ni Hesus sa Mateo 25:36, “Ako’y nabilanggo at ako’y inyong pinuntahan.” Kung malaking hamon ang dumalaw sa mga kapatid nating PDL, nawa’y masamahan natin sila sa panawagang maging makatao ang mga bilangguan at piitan. Buháy si Hesus sa mga kapatid nating PDL, silang mga isinasantabi sa ating lipunan. Muli, bahagi ng ating misyon bilang mga Kristiyano ang makilakbay sa kanilang pagbabagong-buhay.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang Internet at Ebanghelyo

 6,699 total views

 6,699 total views Sa pagpasok ng digital age, ang internet at social media ay naging makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon. Binuksan nito ang panibagong mundo sa ating lahat, at ginawang global citizens ang mga tao sa buong mundo. Ang isang click lamang natin ay malayo ang maabot sa Internet. Ang internet kapanalig, ay naging katuwang na rin

Read More »

Online shopping

 22,834 total views

 22,834 total views Nalalapit na naman ang pasko, at para sa mga Pilipino, ito rin ay panahon ng regalo. At kung dati rati ay sa shopping malls at tiangge ang punta ng tao, ngayon, may bagong option na tayo, ang online shopping. Napakarami na sa atin ang nag-o-online shopping na ngayon. Mas convenient na kasi, at

Read More »

Mental health sa kabataan

 39,068 total views

 39,068 total views Mga Kapanalig, may panukalang batas ngayon sa Senado na layong magtatag ng isang school-based mental health program. Kung maisasabatas ang Senate Bill 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian, magkakaroon ang bawat pampublikong paaralan ng tinatawag na “care center”. Para mangyari ito, paliwanag

Read More »

Sakripisyo ng mga OFW

 54,900 total views

 54,900 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagdalo niya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa San Francisco ngayong buwan, nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga kababayan nating OFW sa Amerika. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang mga kababayan nating nagtatrabaho o nakatira na roon sa Amerika. Malaking tulong daw ang mga

Read More »

VIP treatment na naman

 67,271 total views

 67,271 total views Mga Kapanalig, parang eksena sa pinagbibidahan niyang pelikula ang pananabón ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr kay MMDA Task Force Special Operations Unit head Edison “Bong” Nebrija.  Nangyari ito nang pumunta si Nebrija at si acting MMDA Chairman Romando Artes sa Senado upang humingi ng tawad sa senador. Sinabi kasi ni Nebrija, batay

Read More »

Watch Live

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Internet at Ebanghelyo

 6,700 total views

 6,700 total views Sa pagpasok ng digital age, ang internet at social media ay naging makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon. Binuksan nito ang panibagong mundo sa ating lahat, at ginawang global citizens ang mga tao sa buong mundo. Ang isang click lamang natin ay malayo ang maabot sa Internet. Ang internet kapanalig, ay naging katuwang na rin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online shopping

 22,835 total views

 22,835 total views Nalalapit na naman ang pasko, at para sa mga Pilipino, ito rin ay panahon ng regalo. At kung dati rati ay sa shopping malls at tiangge ang punta ng tao, ngayon, may bagong option na tayo, ang online shopping. Napakarami na sa atin ang nag-o-online shopping na ngayon. Mas convenient na kasi, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental health sa kabataan

 39,069 total views

 39,069 total views Mga Kapanalig, may panukalang batas ngayon sa Senado na layong magtatag ng isang school-based mental health program. Kung maisasabatas ang Senate Bill 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na iniakda ni Senador Sherwin Gatchalian, magkakaroon ang bawat pampublikong paaralan ng tinatawag na “care center”. Para mangyari ito, paliwanag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sakripisyo ng mga OFW

 54,901 total views

 54,901 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagdalo niya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa San Francisco ngayong buwan, nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga kababayan nating OFW sa Amerika. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang mga kababayan nating nagtatrabaho o nakatira na roon sa Amerika. Malaking tulong daw ang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

VIP treatment na naman

 67,272 total views

 67,272 total views Mga Kapanalig, parang eksena sa pinagbibidahan niyang pelikula ang pananabón ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr kay MMDA Task Force Special Operations Unit head Edison “Bong” Nebrija.  Nangyari ito nang pumunta si Nebrija at si acting MMDA Chairman Romando Artes sa Senado upang humingi ng tawad sa senador. Sinabi kasi ni Nebrija, batay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kababaihan at Agrikultura

 71,428 total views

 71,428 total views Hindi natin nabibigyang pugay, kapanalig, ang bahagi ng kababaihan sa agricultural sector ng ating bayan. Tinatayang 25% ng mga agricultural workers natin ay babae. Mahalaga ang papel ng mga babae sa pagsasaka at pangingisda. Marami sa kanila ay nagsasaka din, nag-aalaga ng hayop, at namamahala sa proseso ng pagbebenta at pagmamarket ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deforestation

 90,159 total views

 90,159 total views Sabi nila, isa sa mga pinakadakilang aksyon na magagawa natin sa ating buhay ay ang pagtatanim ng puno. Hindi man natin maramdam sa ating lifetime ang buong benepisyo nito, ang punong ating tinanim ay sasalba ng buhay ng mga susunod pang henerasyon. Kaya lamang, malawak na ang deforestation sa ating bansa. Kailangan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Good Governance

 76,063 total views

 76,063 total views Marami ang nagtatanong, bakit ba ang hirap ng ating bansa bagaman mayaman tayo sa kultura, kasaysayan, at likas na yaman? Bakit ba kahit napakaganda ng Pilipinas, marami pa rin sa atin ang naghihirap? Isa sa mga dahilan kung bakit hirap umusad ang ating bayan ay dahil sa kahinaan ng good governance, hindi lamang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging “RICEponsible”

 93,598 total views

 93,598 total views Mga Kapanalig, alam ba ninyong kung pagsasama-samahin ang kaning naaaksaya natin sa buong taon, aabot ito sa 384,000 metriko tonelada? Nagkakahalaga ito ng pitong milyong piso at sasapat para sa 2.5 milyong Pilipino sa isang taon! Ganito karami ang naaaksayang kanin sa ating bansa, ayon sa Philippine Rice Research Institute (o PhilRice). Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakinggan ang mga katutubo

 93,298 total views

 93,298 total views Mga Kapanalig, ginunita noong ika-8 ng Nobyembre ang ikasampung anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda na isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo. Sa loob ng isang dekadang ito, marami pang mga matinding kalamidad o mga extreme weather events, na pinalubha ng climate change, ang tumama sa ating bansa. Batay sa hindi agarang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipanalo ang taumbayan

 96,747 total views

 96,747 total views Mga Kapanalig, anim na taon, walong buwan, at dalawampu’t isang araw nakulong si dating Senadora Leila de Lima. Ganito kahaba ang panahong ninakaw sa kanya ng walang basehang pag-uugnay sa kanya sa bentahan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (o NBP). Una nang napawalang-sala ang dating senadora sa dalawang kasong isinampa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Batang Pilipino sa Digital Age

 68,089 total views

 68,089 total views Kapanalig, ang mga bata ngayon pinanganak na halos kakambal na ang kanilang mga cellphone o tablets. Maraming mga bata ngayon, kahit mga toddlers pa lamang, ay atin ng nakikita na nagsa-swipe dito sa swipe doon gamit ang mga cellphone. Kung dati sinasabi na ang TV ang babysitters ng mga bata, ngayon, mga smartphones

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paglago ng Industriya ng Turismo sa Pilipinas

 67,923 total views

 67,923 total views Ang Pilipinas, kapanalig, ay siksik, liglig, at at nag-uumapaw sa ganda, kultura, at kasaysayan. Bawat sulok ng ating archipelago ay may iba ibang kwento at kasaysayan, iba’t ibang bidang tourist spots, at iba ibang gawi at kultura. Ang diversity at ganda na ito ay ilan lamang sa mga rason kung bakit kinagigiliwan tayo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Clean Energy Future

 40,811 total views

 40,811 total views Sa paglipas ng panahon, mas dumarami ang hamon na dulot ng pagbabago ng klima sa ating planeta. Ang pagkasira ng ating kalikasan at ang paggamit ng mga uri ng enerhiya  na nagpapainit pa lalo sa mundo ay nagdadala ng samu’t saring problema sa mga bansang gaya ng Pilipinas, na napaka vulnerable sa impact

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negosyante sa agrikultura

 32,471 total views

 32,471 total views Mga Kapanalig, ilang beses na nating tinalakay sa ilang editoryal ang tungkol sa mga mangingisda at magsasaka bilang pinakamahirap na mga sektor sa ating bansa.  Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2021, nasa 30.6% ng mga mangingisdang Pilipino ang mahirap. Kung bibilangin, nasa 350,000 na mangingisda ang mahirap. Hindi nalalayo ang mga

Read More »

Latest Blogs