Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, ABRIL 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,767 total views

Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Anselmo, obispo at pantas ng Simbahan

Mga Gawa 5, 34-42
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Ang tanging aking mithii’y
Panginoo’y makapiling.

Juan 6, 1-15

Friday of the Second Week of Easter (White)
or Optional Memorial of St. Anselm, Bishop and Doctor of the Church

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 34-42

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, tumindig ang isang Pariseong nagngangalang Gamaliel, tagapagturo ng Kautusan, at iginagalang ng buong bayan. Iniutos niyang ilabas muna ang mga apostol, saka nagsalita:

“Mga kababayan, isipin ninyong mabuti ang gagawin sa mga taong ito. Hindi pa nagtatagal na lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkawatak-watak ang mga tauhan niya at nauwi sa wala ang kilusan. Pagkatapos, lumitaw naman si Judas na taga-Galilea noong panahon ng pagpapatala at nakaakit din ng maraming tauhan. Nang mapatay siya, nagkawatak-watak din ang mga tagasunod niya. Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong pakialaman ang mga taong ito; hayaan ninyo sila. Kung ang kanilang panukala o pagpupunyaging ito’y mula sa tao, ito’y mabibigo. Ngunit kung mula sa Diyos, hindi ninyo ito masasansala at lilitaw pang lumalaban kayo sa Diyos! Napahinuhod sila sa payo ni Gamaliel. Pinapasok na muli ang mga apostol, at pagkatapos ipapalo at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Hesus, sila’y pinalaya. Galak na galak na umalis ang mga apostol sa harap ng Sanedrin sapagkat minarapat ng Diyos na sila’y malagay sa kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Hesus. At araw-araw, nagpupunta sila sa templo at sa mga tahanan, at doo’y nagtuturo at nangangaral tungkol kay Hesus, ang Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 4. 13-14

Ang tanging aking mithii’y
Panginoo’y makapiling.

o kaya: Aleluya!

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Ang tanging aking mithii’y
Panginoo’y makapiling.

Isang bagay lamang ang aking mithiin,
isang bagay itong sa Poon hiniling:
ang ako’y lumagi sa banal na templo
upang kagandahan niya’y mamasdan ko
at yaong patnubay niya ay matamo.

Ang tanging aking mithii’y
Panginoo’y makapiling.

Ako’y nananalig na bago mamatay
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!

Ang tanging aking mithii’y
Panginoo’y makapiling.

ALELUYA
Mateo 4, 4b

Aleluya! Aleluya!
Ang tao ay nabubuhay
sa Salita ng Maykapal
na pagkaing kanyang bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 1-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumawid si Hesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga kababalaghang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa burol kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Malapit na noon ang Pista ng Paskuwa ng mga Judio. Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong siya ni Felipe, “Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” Sinabi niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin. Sumagot si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang denaryong tinapay ang bilhin ay di sasapat para makakain nang tigkakaunti ang mga tao.” Sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ngunit gaano na ito sa ganyang karaming tao?” “Paupuin ninyo sila,” wika ni Hesus. Madamo sa lugar na yaon. Umupo ang lahat – humigit-kumulang sa limang libo ang mga lalaki. Kinuha ni Hesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi sa mga tao; gayun din ang ginawa niya sa isda. Binigyan ang lahat hangga’t sa gusto nila. At nang makakain na sila, sinabi niya sa mga alagad, “Tipunin ninyo ang lumabis para hindi masayang.” Gayun nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang bakol.

Nang makita ng mga tao ang kababalaghang ginawa ni Hesus, sinabi nila, “Tunay na ito ang Propetang paririto sa sanlibutan!” Nahalata ni Hesus na lalapit ang mga tao at pilit siyang kukunin upang gawing hari, kaya muli siyang umalis na mag-isa patungo sa kaburulan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Sa himala ng pagpapakain ng limanlibong tao, ipinakikita sa atin ng ating Panginoon na ibibigay ng Ama ang lahat ng ating mga pangangailangan. Hilingin natin sa kanya ang lahat ng mabubuting bagay na maipagkaloob niya sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, bigyan Mo kami ng aming kakanin araw-araw.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng katulad ng pagkahabag na ipinamalas ni Jesus upang pakanin ang mga taong nagugutom, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y tularan ang ginawa ng batang nagbahagi ng kanyang pagkain at magbahagi rin ng anumang maaaring makatulong sa mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y matagpuan si Kristo bilang tugon sa kanilang pagkauhaw at pagkagutom, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng tulong para sa kanilang katawan at kaluluwa mula sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makasalo sa walang hanggang piging sa kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, dinggin mo ang mga panalangin ng iyong bayang nagtitipon upang mag-alay at tanggapin ang handog na walang pagmamaliw, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Holiness Is Not Boring

 2,070 total views

 2,070 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 14,525 total views

 14,525 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 25,805 total views

 25,805 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 36,592 total views

 36,592 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 67,094 total views

 67,094 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 19,887 total views

 19,887 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 20,118 total views

 20,118 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 20,595 total views

 20,595 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 13,423 total views

 13,423 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 13,532 total views

 13,532 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top