Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes, ika-31 ng Marso. 

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 94, binuo ni Pangulong Bongbong Marcos ang ICI bilang isang fact-finding commission sa ilalim ng Office of the President. Trabaho nitong imbestigahan ang mga maanomalyang infrastructure projects. Ito ang naging tugon ng Palasyo sa mga panawagang alamin kung sinu-sino ang mga nasa likod ng mga palpak at pinagkakitaang proyekto ng gobyerno, partikular na ang mga flood control projects ng DPWH. Pagkatapos ng pangangalap ng ebidensya, inaasahan itong magrekomenda ng mga kasong maaaring isampa ng Office of the Ombudsman at ibang ahensya gaya ng Department of Justice (o DOJ). 

Matatapos ang buhay ng ICI kapag nagawa na nito ang mga dapat nitong gawin, bagay na tiniyak ng chair nito na si dating Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. Matatandaang naging usap-usapan kung ano ang kahihinatnan ng ICI matapos magbitiw noong Disyembre 2025 ang dalawang commissioners na sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Rossana Fajardo na mula naman sa pribadong sektor. Sa kabila nito, nagpatuloy ang ICI sa pangangalap ng mga ebidensya, pagkausap sa mga isinasangkot, at pagbubuo ng tinatawag na investigative framework at information systems na tutulong sa pagsusuri ng mga iregularidad sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan. 

Noong Pebrero, nagsumite ang ICI ng accomplishment report kay Pangulong BBM. Dito inilista ng komisyon ang siyam na referrals o mga kasong mungkahing isampa ng Ombudsman. May 66 namang mga pangalan ang mungkahing pabigyan sa DOJ ng Immigration Lookout Bulletin Orders. Ito ang bunga ng mahigit 30 na mga pagdinig at pagkausap sa ilang personalidad katulad ng mga senador, kongresista, at pinuno ng iba’t ibang ahensya, gayundin ng onsite inspection sa diumano’y mga maanomalyang flood control projects. Tinataya ring nasa 24.7 bilyong piso ang halaga ng mga bank accounts na nai-freeze at mga assets o pag-aaring nabawi gaya ng mamahaling sasakyan, malalawak na lupain, at maging insurance policies.

Dismayado naman ang ilang progresibong mambabatas sa trabaho ng ICI. Sabi nga ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, “Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa dinami-dami ng pasakalye, sa pagsasara rin ang tuloy.” Bitin ang ilang mambabatas at mga grupo sa nakamit ng ICI sa loob ng anim na buwan. “False hope” daw ang ibinigay ni PBBM para seryosong imbestigahan at papanagutin ang mga anila’y malalaking isda o mga makapangyarihang tao na nagnakaw sa kaban ng bayan. Kung sila ang tatangungin, mainam na i-certify as urgent ni PBBM ang House Bill No. 4453 na magtatatag ng isang Independent Commission Against Infrastructure Corruption na mas may ngipin, ‘ika nga, kaysa sa ICI na pagbibigay lang ng mga rekomendasyon ang ginawa. 

Sa lawak at tindi ng korapsyon sa mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno, napakaliit ng natumbok ng ICI. Wala rin ngang napanagot kasi wala itong kapangyarihang magsampa ng kaso. Ang totoong tagumpay ng komisyon ay nakasalalay kung aaksyunan ng Ombudsman at DOJ ang mga kasong inihain na isampa nila. Dito masusubok kung matatag nga ba talaga ang mga institusyong katulad ng Ombudsman, DOJ, at mga korte na bahagi ng mabilis at walang kinikilingang sistema ng pangangalaga sa mga karapatan, bagay na nasa sentro ng katarungang panlipunan na itinataguyod ng ating Simbahan. Ngayong matatapos na ang trabaho ng ICI, abangan natin ang susunod na kabanata.

Mga Kapanalig, sa pagkawala ng ICI, lalong lumaki ang hamon sa ating mga mamamayan na bantayan ang mga “humihingi ng suhol sa mga taong matuwid, at ipinagkakait… sa mga mahihirap ang katarungan,” wika nga sa Amos 5:12.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 13,279 total reads

 13,279 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,777 total reads

 73,777 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 95,394 total reads

 95,394 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,049 total reads

 176,049 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 277,061 total reads

 277,061 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 13,280 total reads

 13,280 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,778 total reads

 73,778 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 95,395 total reads

 95,395 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,050 total reads

 176,050 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top