Pakikilahok sa pamamahala sa pamahalaan, panawagan ng NOVA-CENT sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Nanawagan ang Diocese of Novaliches ng mas malinaw, tuloy-tuloy, at aktibong pakikilahok ng Simbahan at mamamayan sa usapin ng pamamahala kasabay ng paglulunsad ng Novaliches Citizens Empowerment for National Transformation o NOVA-CENT.

Sa kanyang homiliya sa Cathedral Shrine Parish of the Good Shepherd noong March 22, iginiit ni Bishop Roberto Gaa na hindi na sapat ang panaka-nakang pakikilahok ng Simbahan, lalo na kung ito’y nalilimitahan lamang sa panahon ng halalan o sa gitna ng mga kontrobersiya.

“We cannot just be fence-sitters anymore. Ang pakikilahok ng simbahan ay dapat maging consistent… hindi ‘yung parang kabuti na lulubog at lilitaw,” ayon kay Bishop Gaa.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa na ang NOVA-CENT ay bunga ng synodality, ang sama-samang pakikinig at paglalakbay na isinasabuhay sa pamamagitan ng Conversations in the Spirit, at ngayon ay inilalapat hindi lamang sa buhay ng Simbahan kundi maging sa pamamahala at paghubog ng lipunan.

“It is a move towards good governance, towards national transformation,” ani Bishop Gaa.

Dagdag pa ng obispo, layunin ng inisyatiba ang pagpapaigting ng “critical collaboration” sa pagitan ng Simbahan at pamahalaan upang higit na mapaglingkuran ang mamamayan.

Samantala, binigyang-diin ni Fr. Antonio Labiao, Jr., vicar general for pastoral affairs ng diyosesis at lead convenor ng NOVA-CENT, na ang tunay na mabuting pamamahala ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng mamamayan.

“Hindi puwedeng iasa lang sa mga leaders… Walang mangyaring good governance kung walang citizens’ participation,” pahayag ni Fr. Labiao sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, umiikot ang programa sa tatlong pangunahing hakbang: civic at political education, organizing, at community engagement, upang hubugin ang mamamayang mulat, organisado, at may kakayahang makilahok sa mga usaping panlipunan.

“May tatlo kaming engagement: anti-corruption, anti-political dynasty, electoral reforms,” ani Fr. Labiao.

Iginiit naman ni Bishop Gaa na ang synodal process ay hindi lamang para sa pagpili ng mga lider, kundi para sa mas malalim na pag-unawa at pakikialam sa kalagayan ng bayan.

“Hindi lang tayo pipili ng maayos na lider, kundi inaalam natin kung ano ang nangyayari sa ating bayan… Little changes, but deep little changes… kung consistent, malalim ang impact,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin din nito na ang pagtutulungan ng mamamayan at pagpapatibay ng mga institusyon ang susi upang maiwasan ang katiwalian at maisulong ang kaayusan sa lipunan.

“Kung mapapagtibay ang mga institusyon… hindi magkakaroon ng lugar ang korapsyon… Nais ng simbahan na ang buong sambayanan… ay maging bahagi ng pagbangon,” ani Bishop Gaa.

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at mga kinatawan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, na kapwa saklaw ng diyosesis.

Kasabay rin nito ang panunumpa ng 55 sinanay na facilitators mula sa 14 na pastoral commissions na mangunguna sa pagpapalawak ng synodal conversations sa iba’t ibang komunidad.

Umaasa ang Diocese of Novaliches na sa pamamagitan ng synodality na inilalapat sa pamamahala, mapapalakas ang ugnayan ng Simbahan at pamahalaan at higit na mahihikayat ang bawat mamamayan na maging aktibong katuwang sa paghubog ng isang makatarungan at maayos na lipunan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,293 total reads

 6,293 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 59,937 total reads

 59,937 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,302 total reads

 145,302 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,038 total reads

 192,038 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 239,910 total reads

 239,910 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 340,901 total reads

 340,901 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top