Mananampalataya, inaanyayahan sa Philippine Pilgrimage to Guadalupe, Mexico

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 839 total reads

Inaanyayahan ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines (ACSP), sa pahintulot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga dambana, parokya, at pamayanang nakatalaga sa Mahal na Birhen ng Guadalupe, gayundin ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria sa bansa, na makiisa sa isasagawang pilgrimage bilang pakikiisa sa Novena Intercontinental Guadalupana 2023–2031.

Inilunsad ng grupo ang “La Guadalupana: A CBCP-ACSP Philippine Pilgrimage to Guadalupe and Notable Mexican Shrines” na isasagawa mula November 15 hanggang 24, 2026 sa Mexico.

Bahagi ito ng pakikibahagi ng CBCP sa pakikipagtulungan sa Conferencia del Episcopado Mexicano (CEM) para sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa 2031.

Ayon sa ACSP, layunin ng pilgrimage na higit pang patatagin ang pananampalataya ng mga deboto at palalimin ang ugnayan ng mga Simbahan sa Pilipinas at ng Simbahan ng Mexico sa ilalim ng debosyon sa Birhen ng Guadalupe.

Kabilang sa mga nakatakdang gawain sa nasabing pilgrimage ang opisyal na pagdalaw at banal na misa ng delegasyon ng mga simbahan ng Our Lady of Guadalupe sa Basílica Nacional de Santa María de Guadalupe sa November 16, 2026.

Isasagawa rin ang pilgrimage at cultural exposure sa mahahalagang dambana sa Mexico mula November 17 hanggang 23.

Samantala, tampok din ang banal na misa bilang paggunita sa ika-400 anibersaryo ng paglalayag ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje o Virgen de Antipolo, na gaganapin sa Catedral de Nuestra Señora de la Soledad sa Acapulco, Mexico sa November 20, 2026.

Pamumunuan ang nasabing pilgrimage ni Fr. Reynante Tolentino, ang kasalukuyang pangulo ng ACSP.

Sa mga nagnanais na makibahagi sa pilgrimage ay maaaring makipag-ugnayan kay Anna Lissa Ayo, chairperson ng ACSP Committee for Pilgrimages, sa pamamagitan ng mga numerong 0917-551-4468 at 0999-990-8108 o sa email na [[email protected]](mailto:[email protected]).

Patuloy naman ang panawagan ng ACSP sa mga mananampalataya na samantalahin ang pagkakataong ito upang higit na mapalalim ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe at makiisa sa pandaigdigang paghahanda para sa makasaysayang anibersaryo ng kanyang pagpapakita.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 5,448 total reads

 5,448 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 58,638 total reads

 58,638 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 144,004 total reads

 144,004 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 190,740 total reads

 190,740 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 238,612 total reads

 238,612 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 339,653 total reads

 339,653 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top