Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 135,293 total views

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng liwanag.” 

Sa panahon natin ngayon, nagtatago rin ang kasamaan sa likod ng mga online games. Ito ang natuklasan sa Roblox, na sikat na sikat ngayon lalo na sa mga bata.

Ang Roblox ay isang online platform kung saan may napakaraming three-dimensional games na pwedeng laruin ang mga users. Magagawa ito kahit sa smartphone. Binubuo ang Roblox ng mga tinatawag na “experiences” o “mini-games” na nilikha rin ng mga naglalaro mismo sa online platform na ito. Libre ang paglalaro sa Roblox, at nagiging paraan din ito para magkaroon ng koneksyon ang mga manlalaro sa mga taong hindi nila personal na kilala. Social networking, kumbaga.

Iba’t iba ang mga genre o uri ng laro sa Roblox. May roleplay o parang dula-dulaan gaya ng pag-aampon at pag-aalaga ng mga virtual pets. Meron ding mga obstacle courses at simulation games. Noong 2023, pumangalawa ang Roblox sa pinakasikat na mobile gaming app sa Pilipinas. Aabot sa 67.3 milyon ang daily active users nito, at 80% sa kanila ay nasa edad 16 pababa. Kasama kaya rito ang inyong anak o apo?

Nakababahala ang haba ng oras ng paglalaro ng mga bata ng Roblox. Ayon sa ilang magulang, halos hindi na bitawan ng kanilang mga anak ang gadgets nila. Naaapektuhan na rin ang kanilang pag-aaral, at nag-iiba na ang ugali, lalo na kapag natatalo sila sa kanilang nilalaro. Mabilis daw uminit ang kanilang ulo at nagiging bastos sa kanilang mga magulang.

Pero mas nakaaalarma ang lumabas na balitang napasok na ng masasamang loob ang Roblox. Nagagamit na ito ng mga taong nais akitin ang mga manlalaro, lalo na ang mga bata, sa mga gawaing sekswal at ibang porma ng pananamantala sa mga menor de edad. Ayon pa sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (o CICC), ginagamit ang Roblox, partikular na ang paggamit ng chat features nito, para gawing drug courier o tagapaghatid ng mga iligal na armas ang mga batang naglalaro. Kamakailan, may pitong batang hinikayat ng kanilang kasama sa isang mini-game na sunugin ang kanilang paaralan. Pinagagawa ang ganitong mga bagay kapalit ng mga pabuya o mas malaking tsansang manalo sa online game na nilalaro nila. 

Ipinarating na ng pamahalaan ang mga isyung ito sa pamunuan ng Roblox. Kung hindi aaksyon ang kompanya, binalaan itong ipagbabawal na sa Pilipinas, gaya ng ginawa sa ibang bansa. Kung magpapatuloy ang pagpasok ng mga kriminal sa Roblox, maaaring parusahan ang kompanya dahil sa pagkakanlong sa masasamang-loob. Binigyan ang Roblox ng hanggang katapusan ng buwan para tumugon. 

Patunay ang online gaming platform na Roblox na talagang gagawa at gagawa ng paraan ang demonyo para maghasik ng kasamaan at para maglagay ng maraming patibong na magtutulak sa taong gumawa ng kasalanan. Kahit ang mga larong para lamang sa libangan dapat ay nagiging daan na para lumaganap ang kasakiman at kasamaang inilalagay sa panganib ang dignidad ng tao (lalo na ng mga bata) at ang kabutihang panlahat. Para mapigilan ito, dapat tayong magsama-sama hindi lamang sa pagbabantay at pagsubaybay sa mga bata kundi sa pag-udyok sa pamahalaan na papanagutin ang mga kompanyang kumikita sa pananamantala, kahit pa sa mga musmos. 

Mga Kapanalig, maraming anyo ng kasamaan ang nakapaligid sa atin. Wala silang pinipiling biktimahin. Habang ginagawa ng gobyerno ang tungkulin nitong gawing ligtas ang teknolohiya, gawin din natin ang ating responsabilidad na gabayan ang mga bata. Marami tayong iniintindi araw-araw bilang mga magulang, pero unahin natin ang kapakanan ng mga batang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,209 total views

 49,209 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,620 total views

 173,620 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,898 total views

 215,898 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,752 total views

 293,752 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Lights! Camera! Action?

 49,210 total views

 49,210 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,621 total views

 173,621 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,899 total views

 215,899 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »
Scroll to Top