Ano tayo pagkatapos ng krisis?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 153,142 total reads

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City.  Ang sinasabing ayuda mula sa gobyerno ay para sa mga tsuper ng mga pampublikong transportasyon sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. 

Kasama si Tatay Jimmy sa listahan ng mga benepisyaryo, pero dahil may sakit at hindi siya pisikal na nakapunta sa distribution center, tumanggi ang DSWD na ibigay sa kanyang anak ang ayuda. Ayon sa kanyang anak, pinilit pa naman daw ng kanyang tatay na pirmahan ang authorization letter na dala niya. May dala rin siyang medical certificate bilang patunay na hindi posibleng ang tatay mismo niya ang kumuha ng ayuda. Pumanaw si Tatay Jimmy nang hindi nahahawakan ang pangakong ayuda.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, maraming Pilipino ngayon ang kagaya ni Tatay Jimmy.  Nariyan ang isang jeepney driver sa Quezon City pa rin na nag-seizure habang nakapila para sa ayuda. Nagkaroon daw ng electrolyte imbalance ang tsuper dahil sa matinding gutom. Kasabay niya sa pila ang isa pang driver na kalalabas lamang sa ospital pero dahil gipit ay nagtiyaga pa ring kumuha ng ayuda. 

Noong isang linggo, nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order 110. Layunin nitong maibsan ang hirap na dinaranas ng mga kagaya nina Tatay Jimmy at iba pang apektado ng krisis. Sa EO na ito, idineklara ang state of national energy emergency sa buong bansa. Itinatag din nito ang programang UPLIFT (o United Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport) upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa giyera sa Middle East. Kasama sa UPLIFT ang energy supply management measures na ipatutupad ng Department of Energy. Sasabayan ang mga ito ng compelementary measures na susuporta sa mga konsyumer at apektadong sektor na ipapatupad naman ng mga ahensiya katulad ng DSWD, Department of Agriculture, at Department of Transportation. 

Maganda ang layunin ng EO, pero kulang pa rin ito, ayon sa ilang grupo. Paliwanag ng IBON Foundation, ang mataas na presyo ng langis ay batay sa singil ng mga oil companies, pero hindi iniuutos ng EO sa isapubliko ginagawa ang presyuhan ng langis. Wala rin itong sinasabi kung ilan ang tutulungang mga transport workers, magsasaka, at mangingisda o kung anong klase ng tulong ang ibibigay sa kanila at hanggang kailan. Mistulang ibinibigay ng administrasyong Marcos ang pasanin ng krisis sa mahihirap at ordinaryong Pilipino, samantalang pinoprotektahan nito ang kita ng malalaking korporasyon. 

Sinabi ng yumaong si Pope Francis sa kanyang librong pinamagatang Let Us Dream na inilalantad ng isang krisis ang laman ng ating mga puso. Aniya, para makalabas tayo sa isang krisis bilang mas mabuting tao, kailangan nating hayaan ang ating sariling hipuin ng mga sakit na dinaranas ng ating kapwa. Binibigyan-diin ng mga panilipunang turo ng Simbahan na ang pag-ibig at pagtatangi sa mga mahihirap, lalo na sa gitna ng krisis, ay mahalagang tungkulin ng mga tagasunod ni Kristo. Kailangan din natin ng mga lider at isang pamahalaang sensitibo sa pasanin ng bawat mamamayan at isusulong ang kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, ibinubunyag ng nangyayari ngayong krisis ang hangarin ng ating mga puso, ang prayoridad ng ating mga lider, at ang katatagan ng ating mga institusyon. Lalabas kaya tayo sa krisis na ito bilang mas mabubuting tao at mapagmalasakit na lipunan? Magbibingi-bingihan kaya ang ating mga lider sa sakit na dinaranas ng taumbayan? Tandaan natin ang paalala ni Hesus sa Mateo 25:40: “Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.”

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,547 total reads

 59,547 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,599 total reads

 163,599 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,387 total reads

 200,387 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,962 total reads

 230,962 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,926 total reads

 276,926 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,548 total reads

 59,548 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,600 total reads

 163,600 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,388 total reads

 200,388 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,963 total reads

 230,963 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top