Ground breaking sa itatayong kapilya sa Pag-asa Island, pinangunahan ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Pinangunahan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagdiriwang ng banal na Misa at groundbreaking ceremony para sa itatayong kauna-unahang permanenteng kapilya sa Pag-asa Island noong Marso 28, 2026.

Dinaluhan ang Banal na Misa na kauna-unahang Misa ng Obispo sa isla ng mga residente ng Pag-asa Island, kabilang ang mga sibilyang pamilya at mga kawani ng pamahalaan at uniformed personnel, bago isinagawa ang groundbreaking rites.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Bishop Mesiona ang misyon ng Simbahan na abutin maging ang mga liblib na lugar, alinsunod na rin sa panawagan ni Pope Francis.

“Bilin ni Pope Francis na puntahan ang malalayong lugar. Matagal ko nang pangarap na mapuntahan ito,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona.

Binigyang-diin din ng Obispo ang papel ng Simbahan bilang tagapagtaguyod ng pagkakaisa, lalo na sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng bansa.

Ang planong kapilya ang magiging kauna-unahang permanenteng istruktura ng Simbahang Katolika sa isla, na magsisilbing lugar ng mga pagdiriwang liturhikal at pagtitipon ng komunidad.

“Ang Simbahan ay maging simbolo ng pagkakaisa. Sana hindi kapwa Pilipino ang magtraydor sa atin,” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Hinimok din ni Bishop Mesiona ang pagpapalakas ng pambansa at pamayanang pagkakakilanlan ng mga residente ng isla.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagkakaisa ng bawat Pilipino sa paninindigan sa teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.

“Mapalakas ang paninindigan na atin ang lugar na ito. Nakakalungkot kung kapwa Pilipino ang magsasabing hindi ito atin. May this be a sign of unity,” Ayon pa kay Bishop Mesiona.

Paliwanag ni Bishop Mesiona, ang pananampalataya kay Hesus ang nagsisilbing sandigan ng komunidad sa gitna ng kahirapan at pag-iisa ng lugar.

Pagbabahagi ng Obispo, sa kabila ng malayo at mahirap na lokasyon ng isla ay dapat na patuloy na humugot ng lakas ang bawat residente sa pag-asa at biyaya ng Panginoon.

“Napakalayo at isolated ang lugar na ito… humuhugot ng lakas ang komunidad sa kanilang pananampalataya kay Hesus. Isang simbolo ng pananampalataya—dito huhugot ng lakas sa panahon ng kahirapan,” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Inilarawan din ni Bishop Mesiona ang isla bilang isang lugar ng pagsubok ngunit maaari ring maging lugar ng pakikipagtagpo sa Diyos.

“While it is also a place of temptation, it can also be a place of encounter with Jesus. Discover the love of Jesus,” Ayon pa kay Bishop Mesiona.

Kabilang din sa mga dumalo sina retired Associate Justice Antonio Carpio, Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela, Palawan Council for Sustainable Development Executive Director Teodoro Jose Matta, at Sangguniang Bayan member Francis Polizon.

Matatagpuan ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea at tahanan ng maliit ngunit matatag na komunidad ng mga sibilyan at kawani ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 49,730 total reads

 49,730 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,960 total reads

 86,960 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,259 total reads

 122,259 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 348,529 total reads

 348,529 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,053 total reads

 239,053 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top