Kakayahang mag-alay ng sarili,tunay na diwa ng pag-ibig-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na ang tunay na diwa ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa mga nagagawa kundi sa kakayahang mag-alay ng sarili.

Ito ang paalala ng arsobispo sa pagsisimula ng mga Mahal na Araw sa Linggo ng Palaspas sa misang ginanap sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Ayon kay Cardinal Advincula na ang pagtanggap ni Hesus sa pagpapakasakit at kamatayan sa krus ay malinaw na tanda ng dakilang pag-ibig sa sangkatauhan.

“The greatest act of love in human history is not an action but a surrender,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng kardinal na sa kabila ng tila pagiging “walang ginagawa” ni Kristo sa mga huling sandali ng Kanyang buhay, doon naman naisakatuparan ang pinakadakilang gawain ng kaligtasan para sa buong sangkatauhan.

“It is precisely in these moments when Jesus appears to be doing nothing that He accomplishes the most,” ani ng kardinal.

Nilinaw ng arsobispo na ang mas malalim na kahulugan ng Ebanghelyo sa gitna ng Pagpapakasakit ng Panginoon, kung saan ang pagdurusa ay hindi katapusan kundi daan tungo sa pagtubos.
“This is the good news hidden within the passion. God can take even the darkest moments of human life… and transform them into instruments of grace,” paliwanag ni Cardinal Advincula.

Sa kanyang pagninilay, hinamon ng kardinal ang pananaw ng mundo na kadalasang inuugnay ang tagumpay sa lakas at kontrol, at ang pagsuko bilang kahinaan.

“To fall into the hands of God… is not defeat. It is the beginning of redemption,” giit ng kardinal.

Iginiit rin nito na ang pag-ibig na ipinamalas ni Kristo ay hindi lamang nakikita sa pagkilos kundi sa kakayahang magtiis para sa kapakinabangan ng kapwa.

“Love is sometimes revealed not by what we do, but by what we are willing to endure for the sake of others,” dagdag pa ng kardinal.

Sa gitna ng mga pagsubok na kinahaharap ng marami tulad ng mga karamdaman, kahirapan, kalungkutan, at kaguluhan, ipinaalala ni Cardinal Advincula na ang Diyos ay patuloy na kumikilos kahit sa mga sandaling tila walang nangyayari.

“Even in those moments when we seem to be doing nothing… God is accomplishing something profound within us,” aniya.

Hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na tahakin ang landas ng katahimikan at ganap na pagtitiwala sa Diyos ngayong Semana Santa.

“Let us follow Him faithfully in silence and surrender… for it is in the hands of God that our suffering is transformed and our lives find their true meaning,” ayon pa sa kardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 63,572 total reads

 63,572 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 96,293 total reads

 96,293 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 198,119 total reads

 198,119 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 238,677 total reads

 238,677 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 256,558 total reads

 256,558 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top