Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Abril 25, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,060 total views

Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang
ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 4, 1-12
Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a

Batong dating tinanggiha’y
siya pang naging saligan.

Juan 21, 1-14

Friday within the Octave of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 1-12

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagsasalita pa sina Pedro at Juan tungkol sa kanilang pinagaling nang dumating ang mga saserdote, ang kapitan ng mga bantay sa templo, at ang mga Saduseo. Galit na galit sila sa dalawang apostol sapagkat ipinapahayag nila sa mga tao na si Hesus ay muling nabuhay at ito ang katunayan na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya’t dinakip nila ang dalawa ngunit ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon. Gayunman, marami sa nakarinig ng kanilang pangangaral ang sumampalataya kay Hesus, at umabot sa limang libo ang bilang ng mga lalaki.

Kinabukasan, nagkatipon sa Jerusalem ang mga pinuno, ang matatanda ng bayan, at ang mga eskriba. Kasama nila si Anas na pinakapunong saserdote, si Caifas, si Juan, si Alejandro at ang buong angkan ng pinakapunong saserdote. Pinaharap nila ang mga apostol at tinanong, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginagawa ang bagay na ito?” Sumagot si Pedro, na puspos ng Espiritu Santo: “Mga pinuno, at matatanda ng bayan, kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling, talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito’y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Hesukristong taga-Nazaret. Siya’y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Hesus na ito ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.’

Kay Hesukristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kayang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a

Batong dating tinanggiha’y
siya pang naging saligan.

o kaya: Aleluya.

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”
Lahat ng may takot
sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag,
“Ang pag-ibig niya’y hindi magwawakas.”

Batong dating tinanggiha’y
siya pang naging saligan.

Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos,
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod!
O kahanga-hanga
ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay,
tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

Batong dating tinanggiha’y
siya pang naging saligan.

Tubusin mo, Poon, kami ay iligtas,
at pagtagumpayin sa layuni’t hangad.
Ang pumaparito
sa ngalan ng Poon ay pagpapalain;
magmula sa templo,
mga pagpapala’y kanyang tatanggapin!
ang Poon ang Diyos.

Batong dating tinanggiha’y
siya pang naging saligan.

ALELUYA
Salmo 117, 24

Aleluya! Aleluya!
Araw ngayong gawa ng D’yos,
magdiwang tayo nang lubos.
Purihin ang Manunubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 1-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, muling napakita si Hesus sa mga alagad sa tabi ng Lawa ng Tiberias. Ganito ang pangyayari. Magkakasama sina Simon Pedro, Tomas na tinaguriang kambal, Natanael na taga-Cana, Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawang alagad. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, “Mangingisda ako.” “Sasama kami,” wika nila. Umalis sila at lumulan sa bangka, subalit walang nahuli nang gabing iyon. Nang magbubukang-liwayway na, tumayo si Hesus sa pampang, subalit hindi siya nakilala ng mga alagad. Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” “Wala po,” tugon nila. “Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makahuhuli kayo,” sabi ni Hesus. Inihulog nga nila ang lambat at hindi nila ito mahila sa dami ng huli. Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Hesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Simon Pedro, siya’y nagsuot ng damit sapagkat hubad siya at tumalon sa tubig. Ang kasama niyang mga alagad ay sumapit sa pampang, sakay ng munting bangka, hila-hila ang lambat na puno ng isda. Hindi sila gaanong kalayuan sa pampang – mga siyamnapung metro lamang. Pag-ahon nila sa pampang ay nakakita sila roon ng mga baga na may isdang nakaihaw, at ilang tinapay. “Magdala kayo rito ng ilang isdang nahuli ninyo,” sabi ni Hesus. Kaya’t sumampa sa bangka si Simon Pedro at hinila sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda – isangdaan at limampu’t tatlong lahat. Hindi napunit ang lambat, kahit gaano karami ang isda. “Halikayo at mag-almusal tayo,” sabi ni Hesus. Isa man sa mga alagad ay walang nangahas magtanong sa kanya kung sino siya, sapagkat alam nila na siya ang Panginoon. Lumapit si Hesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, gayundin ang isda.

Ito ang ikatlong pagpapakita ni Hesus sa mga alagad pagkatapos na siya’y muling mabuhay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Nananatili sa ating piling ang Panginoong Jesu-Kristo upang patnubayan ang gawain ng kanyang Simbahan at upang samahan tayo sa pagharap sa lahat ng mga paghihirap at pagsubok. Tumawag tayo sa kanya nang may ganap na tiwala at sabihin natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoong Muling Nabuhay,
pagpanibaguhin Mo ang aming pananampalataya.

Ang buong Simbahan nawa’y pagpanibaguhin ng biyaya ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa lahat ng tao sa mundo nawa’y maibigay ang kapayapaang ibinigay ng Panginoong Muling Nabuhay sa kanyang mga apostol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nangangailangan nawa’y tulungan natin at bigyan sila ng makapapawi ng pagkagutom ng kanilang katawan at kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng ginhawa at pag-asa mula sa mga tumutulong sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naunang lumisan sa mundong ito nawa’y tanggapin sa dalampasigan ng walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, ibinalik mo kami sa iyo sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ng iyong Anak. Dinggin mo ang aming mga panalangin at palakasin mo kami sa pagpapatotoo sa aming pananampalataya sa Muling Pagkabuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 18,560 total views

 18,560 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 26,875 total views

 26,875 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 45,607 total views

 45,607 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 61,803 total views

 61,803 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 63,067 total views

 63,067 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Watch Live

Related Post

Miyerkules, Abril 30, 2025

 1,599 total views

 1,599 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 1,980 total views

 1,980 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »

Lunes, Abril 28, 2025

 2,595 total views

 2,595 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 3,005 total views

 3,005 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 3,297 total views

 3,297 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Huwebes, Abril 24, 2025

 3,384 total views

 3,384 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 23, 2025

 3,821 total views

 3,821 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Martes, Abril 22, 2025

 4,065 total views

 4,065 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 4,390 total views

 4,390 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 5,198 total views

 5,198 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 5,387 total views

 5,387 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 5,246 total views

 5,246 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 5,460 total views

 5,460 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 5,846 total views

 5,846 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 4,894 total views

 4,894 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »
Scroll to Top