Biyernes, Enero 17, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,505 total views

Paggunita kay San Antonio, abad

Hebreo 4, 1-5. 11
Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Marcos 2, 1-12

Memorial of St. Anthony, Abbot (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 4, 1-5. 11

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, nananatili pa ang pangako ng Diyos na tayo’y makapapasok at makapamamahinga sa piling niya. Ngunit mag-ingat kayo, baka mayroon sa inyong hindi magkamit ng pangakong ito. Sapagkat tulad nila’y napakinggan din natin ang Mabuting Balita. Ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig sapagkat hindi nila iyo pinaniwalaan. Tayong naniniwala ang papasok at mamamahinga sa piling ng Diyos. Ito’y ayon sa kanyang sinabi,

“Sa galit ko’y aking isinumpang
‘Hinding-hindi sila makapapasok at
makapamamahinga sa piling ko.’”

Sinabi niya ito bagamat tapos na ang kanyang pagkalikha sa sanlibutan. Sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng Kasulatan ang tungkol sa ikapitong araw: “At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.” At muli pang sinabi, “Hinding-hindi sila makapapasok at makapamamahinga sa piling ko.” Kaya’t magsikap tayong makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos. Huwag sumuway ang sinuman sa atin para hindi mabigong tulad nila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 3 at 4bk. 6k-7. 8

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ito’y aming narinig na, kaya naman aming alam,
nagbuhat sa aming nuno na sa ami’y isinaysay.
Totoong kahanga-hanga ang tinutukoy na bagay
mga ginawang dakila ng Panginoong Maykapal.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa lahat ng lahi nila ito’y dapat na iaral,
at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan.
Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos,
ang matatag na pag-asa’y ilalagak nila sa Diyos,
at ang dakila niyang gawa’y hindi nila malilimot.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris,
na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik;
isang lahing di marunong magtiwala at magtiis,
ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng Diyos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 2, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siya’y nasa kanyang tahanan. Kaya’t nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya’t binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo.” May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: “Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?”

Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nagsasaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” Sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!” Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila’y pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. “Hindi pa kami nakakikita ng ganito!” sabi nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Puno ng tiwala tulad ng mga kaibigan ng paralitiko, ilapit natin sa Panginoon ang mga pangangailangan at mga hinaing ng Simbahan at ng buong mundo:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, buhayin mo kaming muli.

Ang Simbahan nawa’y gabayan ng Espiritu Santo sa kanyang pagsasagawa ng misyon ni Kristo na ipahayag ang kapatawaran ng mga kasalanan sa lahat ng mga naghahangad ng awa ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kapayapaaan sa puso ng mga lalaki at mga babae nawa’y itaguyod nating lahat sa pamamagitan ng ating pagiging handang magpatawad at kalimutan ang mga nagawang pagkakamali, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y maging handang dalhin si Kristo lalo na sa mga taong nawasak ang buhay ng mapait na karanasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y patuloy na umasa at magtiwala sa Diyos na walang hinangad kundi kagalingan at ang pagiging buo ng bawat isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kapatid nawa’y magkaroon ng kaganapan ng buhay sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawarang ibinigay sa amin ng iyong Anak. Kami rin nawa’y makapagpatawad sa mga nakagawa sa amin ng masama. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 21,604 total views

 21,604 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 195,538 total views

 195,538 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 173,171 total views

 173,171 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 236,534 total views

 236,534 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,765 total views

 254,765 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Mayo 28, 2026

 140 total views

 140 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,804 total views

 1,804 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 3,461 total views

 3,461 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 3,396 total views

 3,396 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,674 total views

 2,674 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top