Biyernes, Enero 24, 2025

SHARE THE TRUTH

 713 total views

Paggunita kay San Francisco de Sales, obispo at pantas

Hebreo 8, 6-13
Salmo 84, 8 at 10. 11-12. 13-14

Pag-ibig at pagtatapat
ay magkakadaup-palad.

Marcos 3, 13-19

Memorial of St. Francis de Sales, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 8, 6-13

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Hesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, yamang siya’y tagapamagitan ng isang tipang higit na mabuti, sapagkat nasasalig ito sa lalong mahahalagang bagay na ipinangako.

Kung walang kakulangan ang unang tipan, hindi na sana nangailangan ng pangalawa. Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng kanyang bayan, kaya’t sinabi niya,

“Darating ang mga araw,
na ako’y makikipagtipan nang panibago sa bayang Israel
at sa angkan ng Juda,
Hindi tulad ng pakikipagtipan ko sa kanilang mga ninuno,
nang akayin ko sila mula sa Egipto.
Hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin,
kaya’t sila’y pinabayaan ko.
Ito ang aking magiging tipan sa bayang Israel,
pagdating ng mga araw na iyon:
Itatanim ko sa kanilang isip ang aking mga utos,
at iuukit ko ang mga ito sa kanilang puso.
Ako ang magiging Diyos nila,
at sila nama’y magiging bayan ko.
Hindi na kakailanganing ituro ninuman sa kanyang kababayan,
O sabihin sa kanyang kapatid,
‘Kilalanin mo ang Panginoon.’
sapagkat Ako’y kikilalanin nilang lahat,
mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila.
Sapagkat ipapatawad ko sa kanila ang kanilang mga kasalanan,
at lilimutin ko na ang kanilang mga kasamaan.”

Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa bagong tipan, pinawalan niya ng bisa ang una. At anumang nawawalan ng bisa at naluluma ay malapit nang mawala.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 8 at 10. 11-12. 13-14

Pag-ibig at pagtatapat
ay magkakadaup-palad.

Panginoong Diyos, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.
Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Pag-ibig at pagtatapat
ay magkakadaup-palad.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Pag-ibig at pagtatapat
ay magkakadaup-palad.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Pag-ibig at pagtatapat
ay magkakadaup-palad.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 13-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon na tinagurian niya ng Pedro; si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Bilang Banal na Bayan na tinawag ng Diyos sa iba’t ibang pamamaraan upang ipalaganap ang Mabuting Balita ng kanyang Paghahari, iluhog natin ang ating mga pangangailangan sa Ama na nag-aaruga sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tumawag sa amin,
ibahagi Mo sa amin ang Iyong kapangyarihan.

Ang mga tinawag sa Simbahan na mamuno sa Bayan ng Diyos nawa’y magkaroon ng tapang na ipalaganap ang Ebanghelyo ni Jesu-Kristo saanmang sulok ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahanap sa Diyos nawa’y matagpuan nila ang kaliwanagan at buong kaloobang tumugon sa paanyaya ng Diyos na makasama niya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig at makilala nila ang tinig ni Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y makapahinga sa kapayapaan ni Kristo sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, tinawag mo kami mula sa mga ordinaryong pagkakataon sa aming buhay; hayaan mo na bigyan kami ng iyong Espiritu ng lakas na bigkasin: “Panginoon, narito ako upang sundin ang kalooban mo.” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 39,860 total views

 39,860 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 164,271 total views

 164,271 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 206,843 total views

 206,843 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 285,371 total views

 285,371 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 20, 2026

 1,955 total views

 1,955 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30.

Read More »

Martes, Mayo 19, 2026

 1,955 total views

 1,955 total views Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos ay

Read More »

Lunes, Mayo 18, 2026

 1,955 total views

 1,955 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo 67,

Read More »

Linggo, Mayo 17, 2026

 907 total views

 907 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog. Efeso 1,

Read More »

Sabado, Mayo 16, 2026

 907 total views

 907 total views Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 23-28 Salmo 46, 2-3. 8-9. 10 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top