Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Hunyo 6, 2025

SHARE THE TRUTH

 1,191 total views

Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita San Norberto, obispo

Mga Gawa 25, 13b-21
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Juan 21, 15-19

Friday of the Seventh Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. Norbert, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 25, 13b-21

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,” wika niya. “Nang ako’y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal. Kaya’t nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon. Nang magkaharap-harap sila, siya nama’y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila. Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangala’y Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya’y buhay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kaya’t tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kaya’t pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab

Panginoo’y may luklukang
>matatag sa kalangitan.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang Poon nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;
mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan.
O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos,
kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod!

Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating Guro.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 15-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Bunga ng pagkaunawang isinugo tayo sa misyong katulad ng kay San Pedro, hilingin natin sa Diyos Ama na palakasin ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain Mo ang iyong kawan.

Ang Santo Papa at lahat ng may katungkulan sa Simbahan nawa’y gabayan ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y magkaroon ng matalas na pakiramdam sa pangangailangan ng bawat isa at maging maligaya sa kanilang pagsasama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga makasalanan nawa’y makatagpo ng pag-asa at lakas ng loob sa pagpapatawad ng Panginoon kay San Pedro, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nababagabag nawa’y makaranas ng presensya ng Panginoon sa gitna ng kanilang mga pagdurusa at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makatanggap ng liwanag, kaligayahan, at kapanatagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, isinugo mo ang iyong Anak upang iligtas ang mundo sa pamamagitan ng gawain ng iyong Simbahan. Palakasin nawa ang aming loob ng halimbawa ni San Pedro upang magsikap kami para sa paglaganap ng iyong Kaharian sa lupa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 28,423 total views

 28,423 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 41,859 total views

 41,859 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 58,377 total views

 58,377 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 68,041 total views

 68,041 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Hunyo 8, 2025

 175 total views

 175 total views Linggo ng Pentekostes (K) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Hunyo 7, 2025

 654 total views

 654 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

Huwebes, Hunyo 5, 2025

 1,750 total views

 1,750 total views Paggunita kay San Bonifacio, obispo at martir Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 D’yos ako,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 4, 2025

 2,395 total views

 2,395 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b.-36k Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos

Read More »

Martes, Hunyo 3, 2025

 2,905 total views

 2,905 total views Paggunita kay San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top