Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Mayo 23, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,730 total views

Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 15, 22-31
Salmo 56, 8-9. 10-12

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

Juan 15, 12-17

Friday of the Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 22-31

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, minabuti ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. At sinugo nila ang mga pangunahin ng mga kapatid: si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas. Ipinadala nila ang sulat na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol at matatanda ay bumabati sa mga kapatid na Hentil sa Antioquia, sa Siria at Cilicia. Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahang galing dini, bagamat hindi namin sila inutusan. Di-umano’y binabagabag kayo sa pamamagitan ng kanilang sinasabi. Kaya’t napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na Bernabe at Pablo, na di nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Hesukristo. Sinusugo nga namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nasasaad sa sulat na ito. Sa udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasiya namin ay huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyusan, ng dugo, at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga bagay na ito, at mapapabuti kayo. Paalam.”

Pinayaon ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon nila ang mga kapatid at ibinigay ang sulat. Pagkabasa sa liham, ang mga tao’y nagalak dahil sa kanilang narinig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 56, 8-9. 10-12

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

o kaya: Aleluya!

Naghahanda ako, O Diyos, ako ngayon ay handa na,
purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.
Gumising ka, katawan ko, gumising ka, kaluluwa,
gumising ka’t tugtugin mo yaong lumang lira’t alpa;
tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga.

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

Sa gitna ng mga bansa kita’y pasasalamatan;
Poon, ika’y pupurihin sa gitna ng mga hirang.
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,
nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
Ihayag mo sa itaas ang taglay mong kabantuga’t
dito naman sa daigdig ay ang iyong kaningningan!

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 12-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Tinatawag tayo ni Kristo na kanyang mga kaibigan at inuutusan tayong ibigin ang isa’t isa. Ipakita natin ang ating pag-ibig sa katapatan ng ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, panatilihin Mo kami sa Iyo.

Ang mga tinawag upang mangaral ng Ebanghelyo sa anumang paraan nawa’y magpahayag ng Mabuting Balita ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumunong pulitiko nawa’y matakot sa Diyos at gawin ang nararapat ayon sa mga Salita ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y isapuso ang utos ng Diyos na mag-ibigan kahit sa mga pagkakataon ng pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng pagmamahal sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kapatid nating yumao nawa’y pagkalooban ng Diyos ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, dinggin mo ang aming mga panalangin at loobin mong lumago sa amin ang iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 13,502 total views

 13,502 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 29,674 total views

 29,674 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 69,385 total views

 69,385 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 129,893 total views

 129,893 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 142,185 total views

 142,185 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 47,849 total views

 47,849 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 48,080 total views

 48,080 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 48,592 total views

 48,592 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 35,126 total views

 35,126 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 35,235 total views

 35,235 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top