Biyernes, Nobyembre 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 13,083 total reads

Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal

Pahayag 7, 2-4. 9-14
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

1 Juan 3, 1-3
Mateo 5, 1-12a

Solemnity of All Saints (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 7, 2-4. 9-14

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Ako’y si Juan, at nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan – sandaa’t apatnapu’t apat na libo buhat sa labindalawang lipi ng Israel.

Pagkatapos noo’y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono ng Kordero nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sabay-sabay nilang sinabi, “Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!” Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, at ng apat na nilalang na buhay. Sila’y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. Ang wika nila “Amen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!”

Tinanong ako ng isa sa matanda, “Sino ang mga taong nakadamit na puti at saan sila nanggaling?” “Hindi ko po alam,” tugon ko. “Kayo ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo?
Sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.

Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.

IKALAWANG PAGBASA
1 Juan 3, 1-3

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan; hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, sa ngayon, tayo’y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayo’y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan. Kaya’t ang sinumang may pag-asa sa kanya ay nagpapakalinis, tulad ni Kristo – siya’y malinis.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”

“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 1
Lahat ng Mga Banal

Bilang Bayan ng Diyos dito sa lupa, pag-isahin natin ang ating mga panalangin at ang mga panalangin ng lahat ng mga banal sa Langit para sa mga pangangailangan ng mga lalaki at babae sa lahat ng dako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga banal, dinggin mo kami, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y ihatid sa Kaharian ng Langit ang lahat ng kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabubuting kalooban nawa’y makatanggap ng tunay na buhay at kapayapaang di-nagmamaliw sa pamamagitan ng mapantubos na Dugo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y pagkalooban ng Eukaristiya ng lakas upang makapamuhay nang matuwid dahil sa pag-asang makakapiling natin ang mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inuusig dahil sa pagiging matuwid nawa’y matatag na magpatuloy sa daan ng kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makasama ang mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng kabanalan at biyaya, iniaalay namin ang aming mga kahilingan kasama ng mga panalangin ng Mahal na Birheng Maria at ng lahat ng mga banal, taglay ang pagtitiwala sa iyong habag na nahayag sa kanilang mga dakilang buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,493 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Praying to be a cheerful giver

 4,596 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 4,436 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,494 total reads

 5,494 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 43,298 total reads

 43,298 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 97,134 total reads

 97,134 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,528 total reads

 160,528 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 228,307 total reads

 228,307 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Agosto 13, 2026

 665 total reads

 665 total reads Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir Ezekiel 12, 1-12

Read More »

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 2,294 total reads

 2,294 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 4,119 total reads

 4,119 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 6,150 total reads

 6,150 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,938 total reads

 6,938 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top