Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, PEBRERO 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 10,090 total views

Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo

Malakias 3, 1-4
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Hebreo 2, 14-18
Lucas 2, 22-40
o kaya Lucas 2, 22-32

Feast of the Presentation of the Lord (White)
World Day for Consecrated and Religious Life

UNANG PAGBASA
Malakias 3, 1-4

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipapahayag ang aking tipan.”

Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makakaharap pag siya’y napakita na? Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayun, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.

D’yos na makapangyariha’y dakilang hari kailanman.

Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari ay doon papasok.

D’yos na makapangyariha’y dakilang hari kailanman.

Ang dakilang haring ito ay sino ba?
Siya ang Poon, dakilang talaga;
Saanmang labanan tagumpay ay kanya.

D’yos na makapangyariha’y dakilang hari kailanman.

Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari ay doon papasok.

D’yos na makapangyariha’y dakilang hari kailanman.

Ang dakilang hari’y sino bang talaga?
Makapangyarihang Diyos at hari siya!

D’yos na makapangyariha’y dakilang hari kailanman.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 2, 14-18

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Yamang ang mga anak na tinuturing ng Diyos ay tao, naging tao rin si Hesus, tulad nila – may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa gayun, pinalaya niya ang lahat ng naging alipin habang panahon dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan kundi “Ang lahi ni Abraham.” Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayun, siya’y naging isang dakilang saserdote, mahabagin at tapat, naglilingkod sa Diyos at naghahandog ng hain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng tao. Sapagkat siya ma’y tinukso at nagbata, kaya ngayo’y matutulungan niya ang mga tinutukso.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 2, 32

Aleluya! Aleluya!
Para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong dinakila!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala’y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata’y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 2, 22-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Pebrero 2
Ang Pagdadala kay Jesus sa Templo

Nagniningning si Kristo bilang liwanag ng kaligtasan sa lahat ng bansa at kaluwalhatian ng kanyang bayan. Ilapit natin ang ating mga panalangin sa Ama na nag-alay ng kayang bugtong na Anak para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, masinagan nawa kami ng Iyong liwanag.

Ang simbahan sa buong mundo nawa’y ipakita ang tunay na mukha ni Kristo at maging tanda ng kaligtasan sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maykapangyarihan nawa’y maglingkod sa lipunan nang may pag-aalay ng sarili, magkaroon ng tapang na magpahayag at kumilos sa ngalan ng katotohanan at katarungan, at maging saksi sa pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mabigyan ng sigla ng pagiging masunurin ng Birheng Maria at ni San Jose sa laging pagtupad sa mga kautusan ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng kanilang mga sariling halimbawa, mahikayat ng mga ama at ina ang kanilang mga anak sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y humayo sa kapayapaan ng Diyos at magdiwang nang walang katapusan sa piling ni Maria at ng lahat ng mga santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, nasa kadiliman kami kung wala ka. Magningning nawa sa amin ang iyong liwanag upang sa aming sariling paraan, kami’y maging mga salamin ng iyong liwanag. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 11,946 total views

 11,946 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 19,282 total views

 19,282 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 26,597 total views

 26,597 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 76,919 total views

 76,919 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 86,395 total views

 86,395 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Sabado, Oktubre 12, 2024

 416 total views

 416 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 681 total views

 681 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 1,005 total views

 1,005 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 1,419 total views

 1,419 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 1,962 total views

 1,962 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 2,009 total views

 2,009 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 2,180 total views

 2,180 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 1,939 total views

 1,939 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 2,358 total views

 2,358 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 2,479 total views

 2,479 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 3,888 total views

 3,888 total views Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod Job 9, 1-12. 14-16 Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Mateo 18, 1-5. 10 Memorial of the Holy Guardian Angels (White) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) at Hanay ng mga Banal UNANG PAGBASA Job

Read More »

Martes, Oktubre 1, 2024

 4,923 total views

 4,923 total views Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga Job 3, 1-3. 11-17. 20-23 Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8 Panginoon, ako’y diggin sa pagsamo ko’t dalangin. Lucas 9, 51-56 Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White) Mission Day for Religious Sisters Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-26 na Linggo

Read More »

Lunes, Setyembre 30, 2024

 5,790 total views

 5,790 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Job 1, 6-22 Salmo 16, 1. 2-3. 6-7 Daing ko’y ‘yong dinirinig tuwing ako’y humihibik. Lucas 9, 46-50 Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job

Read More »

Linggo, Setyembre 15, 2024

 8,329 total views

 8,329 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 9,267 total views

 9,267 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »
Scroll to Top