Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Pebrero 7, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,973 total views

Biyernes ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Hebreo 13, 1-8
Salmo 26, 1. 3. 5. 8b-9abk

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Marcos 6, 14-29

Friday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Hebreo 13, 1-8

Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo

Mga kapatid, magpatuloy kayong nag-iibigan bilang magkakapatid kay Kristo. Huwag ninyong kaligtaan ang pagpapatuloy sa mga taga-ibang bayan. May ilang gumawa nito, at nakapagpatuloy sila ng mga anghel nang di nila nalalaman. Damayan ninyo ang mga nabibilanggo, na parang kayo’y nakabilanggo ring kasama nila. Gayun din ang mga pinagmamalupitan, sapagkat maaaring kayo ma’y dumanas din ng gayun.

Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, at maging tapat sa isa’t isa ang mag-asawa. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at mga nangangalunya.

Huwag kayong magmukhang salapi; masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Walang pag-agam-agam na masasabi natin,
“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
Hindi ako matatakot,
Ano ang magagawa sa akin ng tao?”

Alalahanin ninyo ang mga nangasiwa sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nga ninyo kung paano sila namuhay at namatay, at tularan ninyo ang kanilang pananalig sa Diyos. Si Hesukristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 26, 1. 3. 5. 8b-9abk

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takot ako kaninuman;
sa mga panganib kanyang iingatan,
kaya naman ako’y walang agam-agam.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Kahit salakayin ako ng kaaway,
magtitiwala rin ako sa Maykapal.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Iingatan ako kapag may bagabag,
sa banal na templo’y iingatang ligtas;
itataas niya sa batong matatag.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

Ang paanyaya mo’y, “Lumapit sa akin,”
Huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin!
H’wag kang magagalit, huwag mong itatakwil
akong katulong mo at iyong alipin.

Panginoo’y aking tanglaw,
siya’y aking kaligtasan.

ALELUYA
Lucas 8, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa Diyos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 14-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nakarating kay Haring Herodes ang balita tungkol kay Hesus, sapagkat bantog na bantog na ang pangalan nito. May nagsasabi, “Siya’y si Juan Bautista na muling binuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.” May nagsasabi naman, “Siya’y si Elias.” “Siya’y propeta, katulad ng mga propeta noong una,” anang iba pa.

Sinabi naman ni Herodes nang mabalitaan niya ito, “Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko.” Si Herodes ang nagpahuli, nagpagapos at nagpabilanggo kay Juan dahil kay Herodias. Ang babaing ito’y asawa ni Felipe na kapatid ni Herodes ngunit kinakasama niya. Laging sinasabi sa kanya ni Juan, “Hindi matuwid na kunin ninyo ang asawa ng inyong kapatid.” Kaya’t si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan. Hinangad niyang ipapatay ito, ngunit hindi niya magawa, sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Alam niyang ito’y taong matuwid at banal, kaya’t ipinagsasanggalang niya. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan, bagamat labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito.

Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Herodias nang anyayahan ni Herodes sa kanyang kaarawan ang kanyang mga kagawad, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea. Pumasok ang anak na babae ni Herodes at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya’t sinabi ng hari sa dalaga, “Hingin mo sa akin ang anumang ibig mo at ibibigay ko sa iyo.” At naisumpa pa niyang ibibigay kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihilingin. Lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano ang hihilingin ko?” “Ang ulo ni Juan Bautista,” sagot ng ina. Dali-daling nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari. “Ang ibig ko po’y ibigay ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan Bautista,” sabi niya. Labis na nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang sumpa na narinig ng kanyang mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga. Kaagad niyang iniutos sa isang bantay na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod ang bantay at pinugutan si Juan sa bilangguan, inilagay ang ulo sa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina. Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Magiging matagumpay lamang ang ating pakikipaglaban sa pwersa ng kasamaan kung magsasama-sama tayo sa panalangin. Manalangin tayo sa Diyos ng katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, lumakad nawa kami lagi sa katotohanan.

Tulad ni San Juan, ang mga namumuno ng Simbahan nawa’y maging matapang na mga tagapagpahayag ng Ebanghelyo ng katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y tumulong ng buong puso sa pakikipaglaban ng Simbahan sa mga madidilim na pwersa na siyang umaalipin sa tao upang mabuyo sa karahasan at krimen, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong mga Kristiyano nawa’y maging hayag sa pagsasalita sa ating mga alalahanin laban sa mga taong nagsasamantala at sa mga sinasamantala sa pamamagitan ng pulitikal na panggigipit at bulok na pamamaraan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng opresyon nawa’y magtamo ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay sa pananampalataya nawa’y makatagpo ng makalangit na pabuya, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, hindi nagbabago o kumukupas ang iyong pag-ibig sa amin. Bigyan mo kami ng katapangan na manahan sa iyong presensya sa lahat ng araw ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 11,089 total views

 11,089 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 36,837 total views

 36,837 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 98,866 total views

 98,866 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 118,886 total views

 118,886 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 133,095 total views

 133,095 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 37,173 total views

 37,173 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,404 total views

 37,404 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 37,904 total views

 37,904 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,645 total views

 27,645 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,754 total views

 27,754 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top