Sabado, Pebrero 8, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,373 total reads

Sabado ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita ka San Jeronimo Emiliano
o kaya Paggunita kay Santa Josefina Bakhita, dalaga
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Hebreo 13, 15-17. 20-21
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Marcos 6, 30-34

Saturday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Hebreo 13, 15-17. 20-21

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus – pagpupuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos.

Pasakop kayo sa mga nangangasiwa sa inyo. Sila’y may pananagutang magbantay sa inyo, at magbibigay-sulit sila sa Diyos ukol dito. Kung sila’y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung hindi, sila’y mahahapis, at hindi ito makabubuti sa inyo.

Ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Hesus na naging Dakilang pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa’y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Hesukristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Kristo magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 30-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya sa mga ito, “Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.

Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya’t mula sa lahat ng bayan, ang mga tao’y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mulat sa pangangailangang lumaya sa mga hamon ng buhay upang mapatatag at mapanumbalik ang ating diwa at kalooban, lumalapit tayo sa Ama sa mapagkumbabang pananalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Pastulan Mo ang iyong bayan, O Panginoon.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y panatilihin nilang buhay ang kanilang pagtatalaga sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y “lumikas” at “mamahinga,” upang makatagpo ng kapayapaan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya nawa’y muling maakay pabalik sa pamilya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makakita ng kagalingan sa kanilang karamdaman sa pamamagitan ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamalagi sa tahanan ng Panginoon magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, tinawag mo kami upang iyong makasama. Maging tapat nawa kami sa pagsunod sa iyong Anak sa aming paglalakbay patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

ANAK NG TAO

 2,210 total reads

Homiliya para sa Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, 13 Nobyembre 2026

2 Juan 4–9; Lucas 17:26–37

Sa ating unang pagbasa, may babala si San Juan tungkol sa mga taong tinatawag niyang mga manlilinlang o Antikristo. Sino sila? Sila raw ang mga hindi kumikilala na si Hesukristo ay tunay na naging tao.

Nakakagulat, ano? Noong panahon pa pala ni San Juan, mayroon nang mga Kristiyanong nahihirapang tanggapin ang tunay na pagkatao ni Hesus. Madali nilang tanggapin na si Hesus ay Anak ng Diyos. Pero Anak ng Tao? Na ang Diyos ay talagang naging tao, tulad natin?

May lumaganap noon na katuruang tinatawag na Docetism, mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “magmukha lamang.” Para sa kanila, nagmukha o nag-anyong tao lang si Hesus. Para bang Diyos siyang nagpanggap na tao. Hindi nila matanggap na naging tunay na tao ang Diyos, dahil iniuugnay nila ang pagiging tao sa kahinaan, karupukan, kasalanan na dahilan ng pagdurusa, at kamatayan.
Parang magandang pakinggan, pero mali. Dahil minamaliit nila ang likas na dangal ng ating pagkatao.Hindi ba’t hanggang ngayon, kapag nagkakamali tayo, ang madalas nating sabihin, “Pasensya na, tao lang.” Para bang napakasamang maging tao. Para bang ang pagiging tao ay katumbas ng pagiging mahina, makasalanan, at palpak.

Pero iba ang ipinahahayag ng ating pananampalataya. Ang Diyos ay naging tao, hindi para maliitin ang ating pagkatao, kundi para itaas ang dangal nito. Hindi siya nagkunwaring tao. Naging tunay siyang tao, maliban sa kasalanan.

At sa pamamagitan niya, binigyan tayo ng Diyos ng isang bagong huwaran ng pagkatao. Kung dati, sina Adan at Eba ang ating iniuugnay sa pagkataong nasira ng kasalanan, ngayon mayroon na tayong bagong Adan, si Hesukristo, na nagtuturo sa atin kung paano tunay na magpakatao.

Ito naman ang koneksyon sa ating Ebanghelyo. Kapansin-pansin na kapag nagsasalita si Hesus tungkol sa kanyang muling pagbabalik, hindi niya ginagamit ang titulong Anak ng Diyos. Ang ginagamit niya ay Anak ng Tao.

Sinasabi niyang darating ang araw ng pagbubunyag ng Anak ng Tao. Isang sandali ng krisis, ng pagsusulit, ng pagbubukod. Tulad noong panahon ni Noe at ni Lot, nagpapatuloy ang mga tao sa kanilang karaniwang pamumuhay—kumakain, umiinom, nag-aasawa, bumibili, nagbebenta, nagtatanim at nagtatayo. Walang kamalay-malay na darating ang sandali ng pagsusulit.
At ano ang magiging batayan ng pagbubukod? Dito mahalagang pakinggan ang sinabi ni Hesus: “Ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang handang mawalan ng kanyang buhay ay siyang magliligtas nito.”

Ito ang kakaibang prinsipyo ng bagong pagkataong ipinakilala sa atin ni Kristo.

Sa mundong ito, ang madalas nating iniisip ay kung paano natin maililigtas ang ating sarili, paano tayo makakaangat, paano tayo makakalamang sa kapwa. Pero para kay Hesus, ang tunay na pagkatao ay hindi nasusukat sa kung gaano karami ang ating naipon o napakinabangan para sa sarili, kundi sa kung gaano tayo natutong magmahal, maglingkod, at mag-alay ng buhay para sa kapwa.
Hindi sapat ang maging tao. Ang hamon sa atin ay magpakatao. At hindi tayo tunay na makapagpapakatao kung hindi tayo matututong makipagkapwa-tao. Ito ang bagong pagkataong ipinakilala sa atin ng Anak ng Tao.

Habang papalapit tayo sa pagtatapos ng taon ng liturhiya at naghahanda sa panahon ng Adbiyento, ito ang paalala sa atin ng mga pagbasa: Ang kaligtasang hinihintay natin ay hindi lamang tungkol sa pagdating ng Panginoon sa katapusan ng panahon. Tungkol din ito sa ating paghahanda na maging tunay na tao, ayon sa kanyang halimbawa.

Dahil sa huli, ang haharap sa atin bilang Hukom ay walang iba kundi ang Anak ng Tao—si Hesukristo, ang tunay na huwaran ng ating pagkatao. At ang tanong niya sa atin ay hindi lamang, “Naniwala ba kayo sa akin?” kundi, “Natuto ba kayong magpakatao, tulad ng itinuro ko sa inyo?”

PERSISTENCE

 2,537 total reads

Gospel Reading for November 14, 2026 – Luke 18: 1-8

PERSISTENCE

Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary. He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being. And a widow in that town used to come to him and say, ‘Render a just decision for me against my adversary.’ For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’” The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night? Will he be slow to answer them? I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily. But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”

————

Of course, Jesus was not saying that God is like the judge who had no respect for any human being. Jesus was pointing out that if even such a person eventually rendered a just decision to the widow because of her PERSISTENCE, why would the God who loves us so much not listen to our pleas?

Faith and Trust in God are our PERSISTENCE. As long as we continue to have these, we will be able to see when and how God answers our prayers.

Perhaps, for most of us, we did not receive exactly what we asked or hoped for at the time we expected. But time will tell when God finally answers our prayers.

Lord Jesus, help us to always put our Faith and Trust in you. Amen.

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 26,369 total reads

Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno ay hindi na pinagkakatiwalaan ng taumbayan.

Ordinaryo na sa Pilipinas ang paghihirap. Bawat araw, nagigising ang maraming Pilipino at nahaharap sa kaparehong katanungan: Hanggang kailan tataas ang halaga ng mga bilihin? Magkakasya ba ang kakarampot na sahod sa pang-araw-araw na gastusin? Matustusan ba ang pagpapaaral ng mga anak? Makakabayad ba ng kuryente at tubig?

Kailan kaya tutuparin ng mga inihalal at pamahalaan ang pangako nitong serbisyo publiko?

Ito ay hindi lamang araw-araw na frustrations ng mga Pilipino. Ito ay senyales ng isang bansang nangangailangan ng makabuluhang pagbabago mula sa mga politikong iniluklok sa puwesto.

Kapanalig, kabilang sa alalahanin at pasanin ng mayorya ng mga Pilipino ang “cost of living”. Base sa report ng Philippine Statistic Administration, umabot na sa 7.8-porsiyento ang inflation, pinakaabilis sa nakalipas na apat na taon.

Para sa ordinaryong pamilyang Pilipino, ito ay nangangahulugan ng kulang na pagkain sa hapag kainan, kawalan ng pagkakataon na makapag-ipon o makapag-impok, at kahirapan na matugunan ang pangunahing pangangailangan.

Kahit sabihin ng pamahalaan na ito ay economic statistic lamang, ang epekto nito ay nararamdaman sa pamilihang bayan, grocery stores at kabahayan sa bansa..

Kapanalig, paano pagkakatiwalian ng mga Pilipino ang gobyerno kung nagiging endemic na ang katiwalian?

Ang kawalan ng transparency at accountability ng pamahalaan sa paggasta ng pera ng bayan ang unti-unting umuubos sa pasensiya ng mga Pilipino.

Ang nararanasang hirap ng mga manggagawang Pilipino ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan, marami ang nagta-trabaho ng mahabang oras ngunit ang sahod ay hindi sapat sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Ang pinangangambahan ay matinding epekto ng El Niño, inaasahan itong magdudulot ng kakulangan sa supply ng tubig, pagkalugi ng sektor ng agriculture at maging sanhi ng pagtaas lalu ng presyo ng pagkain na magiging mabigat na pasanin ng mga magsasaka, mangingisda at bulnerableng komunidad sa bansa.

Kapanalig,ang malalim na problema ay kawalan ng malasakit ng gobyerno na tugunan ang nararanasang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino. Ika nga, bulsa muna bago ayudad.

Kapanalig, sinasabi ng “Proverbs 19:17- Whoever is kind to the poor lends to the Lord, and he will reward them for what they have done.”

Sobra sobra na ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino. “They deserve a government that listens, acts, and takes responsibility.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 26,370 total reads

 26,370 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 110,560 total reads

 110,560 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 204,891 total reads

 204,891 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 266,577 total reads

 266,577 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 311,038 total reads

 311,038 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 21,737 total reads

 21,737 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 24,259 total reads

 24,259 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 26,342 total reads

 26,342 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 24,861 total reads

 24,861 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 25,962 total reads

 25,962 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top