Linggo, Pebrero 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,544 total reads

Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Isaias 6, 1-2a. 3-8
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 4-5. 7k-8

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

1 Corinto 15, 1-11
o kaya 1 Corinto 15, 3-8. 11
Lucas 5, 1-11

Fifth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 6, 1-2a. 3-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nang taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon. Nakaupo siya sa isang napakataas na luklukan. Ang laylayan ng kanyang damit ay nakalatag sa buong templo. May mga serapin sa kanyang ulunan, at bawat isa’y may anim na pakpak. Wala silang tigil nang kasasabi sa isa’t isa ng ganito:

“Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos ng mga hukbo;
ang kanyang kaningninga’y laganap sa sanlibutan.”

Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang pundasyon ng Templo at ang loob nito’y napuno ng usok. Sinabi ko, “Kawawa ako. Marumi ang aking labi at naninirahan sa piling ng mga taong marurumi rin ang labi. Mapapahamak ako pagkat ako’y isang makasalanang nakakita sa Panginoon, ang Makapangyarihang Hari.”

Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga sa dambana, at lumipad na patungo sa akin. Ang baga ay idiniit sa aking mga labi, at sinabi, “Wala ka nang sala. Napawi na ang mga kasalanan mo.” Narinig ko ang tinig ng Panginoon, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang aming susuguin?” Sumagot ako, “Narito po ako. Ako ang isugo n’yo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 4-5. 7k-8

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,
pupurihin ka ng lahat at ika’y ipagbubunyi.
Ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,
at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,
ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas,
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 15, 1-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang pahayag na inyong tinanggap at naging saligan ng iyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo – liban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinampalatayanan.

Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa nasasaad sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; at siya’y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila’y buhay pa hanggang ngayon, bagamat patay na ang ilan. At napakita rin siya kay Santiago, saka sa mga apostol na sama-sama noon.

Sa kahuli-huliha’y napakita rin siya sa akin – bagamat ako’y tulad ng batang ipinanganak nang di-kapanahunan. Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol; ako’y di karapat-dapat tawaging apostol, sapagkat inusig ko ang simbahan ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako’y naging apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Nagpagal ako nang higit kaysa kaninuman sa kanila, bagamat hindi ito sa sarili kong kakayanan kundi sa tulong ng Diyos sa akin. Kaya’t maging ako o sila – ito ang ipinangangaral namin, at ito ang pinananaligan ninyo.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya: Maikling Pagbasa
1 Corinto 15, 3-8. 11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin: si Kristo’y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; at siya’y napakita kay Pedro, saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila’y buhay pa hanggang ngayon, bagamat patay na ang ilan. At napakita rin siya kay Santiago, saka sa mga apostol na sama-sama noon.

Sa kahuli-huliha’y napakita rin siya sa akin – bagamat ako’y tulad ng batang ipinanganak nang di-kapanahunan. Kaya’t maging ako o sila – ito ang ipinangangaral namin, at ito ang pinananaligan ninyo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 4, 19

Aleluya! Aleluya!
Sumunod kayo sa akin
at kayo’y aking gagawing
katambal ko sa tungkulin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 5, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.

Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayon nga ang ginawa nila sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.” Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli gayon din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

TRULY BLESSED

 1,116 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 1,342 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,596 total reads

Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Nitong nakaraang linggo, tumutok ang pagdinig sa Article II na inaakusahan ang bise presidente ng pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman, pagsusumite ng maling statement of assets, liabilities, and net worth (o SALN), at patuloy na pagkita mula sa mga pribadong negosyo. Iniharap ng prosekusyon ang mga financial experts, bank representatives, at mga tax executives para ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

Gaya ng inaasahan, masyadong teknikal ang mga narinig natin mula sa mga ipinresentang witnesses. Pero narito ang ilan sa mga naungkat sa pagdinig.

Una, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (o AMLC) ang mga suspicious o kahina-hinalang transaksyon na kinasasangkutan ni VP Sara at ng kanyang mister. Umabot sa 4.4 bilyong piso ang halaga ng mga transaksyong ito.

Pangalawa, ipinakita rin ng records mula sa AMLC na nakatanggap ang isang kompanya ng asawa ni VP Sara ng 319 milyong piso mula sa mga kompanyang nakabase sa China. 

Pangatlo, natuklasan sa mga records na ang mga joint accounts nina VP Sara at ng kanyang tatay na si dating Pangulong Digong Duterte ay tumanggap ng mga depositong nagkakahalaga ng 193 milyong piso. Nangyari lang ito sa isang araw!

Pang-apat, lumabas sa mga bank records nina VP Sara at kanyang asawa na meron silang 59 milyong piso noong 2022, pero hindi ito inilagay ng bise presidente sa kanyang SALN.

Panghuli, nakatanggap si VP Sara ng suweldo mula sa Davao City LGU kahit pa bise presidente na siya. May mga tinanggap din siyang kabayaran at mga cash holdings na lampas-lampas sa kanyang suweldo.

Malinaw ang ating Saligang Batas: “Public office is a public trust.” Ang mga pinuno at mga kawani ng gobyerno ay kinakailangang laging nananagot sa taumbayan. Dapat silang maglingkod nang may pinakamataas na integridad, dangal, katapatan, at kahusayan. Dapat taglay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang pagkamakabayan at katarungan. Inaasahan din silang mamuhay nang buong kapakumbabaan. 

Sa unang araw ng kanilang pag-upo sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila ng pinakamaraming botante, nanumpa silang tutupdin ang itinakdang ito ng Konstitusyon. Sa araw na iyon, pumasok sila sa isang kasunduan sa taumbayan. Hindi natin dapat kalimutan ang kasunduang iyon, at dito papasok ang impeachment trial. Ito ang tamang paraan para papanagutin (o gawing accountable) ang mga lider na hindi tumupad sa ating kasunduan sa kanila. Ito ang tamang paraan para sabihin sa ating mga pinuno na binabantayan natin sila at na mahalaga sa atin ang katotohanan. Sabi nga sa Mga Efeso 5:13-14, “Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.” Liwanag ang dala ng impeachment trial.

Pinahahalagahan maging ng ating Simbahan ang pagpapanagot sa ating mga lider. Ang paglilingkod sa bayan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan at pribilehiyo. Ito ay isang morál na obligasyon ng pagsisilbi, at salungat na salungat dito ang pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust. Pinagtataksilan ng mga pinuno ng pamahalaan ang tiwalang ito kapag meron silang itinatagong yaman, kapag kumikita sila labás sa kanilang trabaho, at kapag may iba pa silang interes maliban sa pagsisilbi sa bayan. 

Mga Kapanalig, kapag sariling interes ang inuuna ng mga nasa gobyerno, napagkakaitan ang publiko ng tapat na serbisyo at epektibong solusyon sa mga problema. Ganito kabigat ang betrayal of public trust—ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan. Ito sana ang makita ng mga kababayan nating patuloy na nagogoyo ng pakitang-tao ng mga pulitiko, nakukuntento na lang sa panandaliang ayuda, at nabubulag sa pagkapanatiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,597 total reads

 11,597 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,814 total reads

 239,814 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,280 total reads

 133,280 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,309 total reads

 227,309 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,085 total reads

 271,085 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 1,109 total reads

 1,109 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 2,272 total reads

 2,272 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 4,412 total reads

 4,412 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 4,736 total reads

 4,736 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 6,918 total reads

 6,918 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top