Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 241 total reads

Homiliya para sa Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, 13 Nobyembre 2026

2 Juan 4–9; Lucas 17:26–37

Sa ating unang pagbasa, may babala si San Juan tungkol sa mga taong tinatawag niyang mga manlilinlang o Antikristo. Sino sila? Sila raw ang mga hindi kumikilala na si Hesukristo ay tunay na naging tao.

Nakakagulat, ano? Noong panahon pa pala ni San Juan, mayroon nang mga Kristiyanong nahihirapang tanggapin ang tunay na pagkatao ni Hesus. Madali nilang tanggapin na si Hesus ay Anak ng Diyos. Pero Anak ng Tao? Na ang Diyos ay talagang naging tao, tulad natin?

May lumaganap noon na katuruang tinatawag na Docetism, mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “magmukha lamang.” Para sa kanila, nagmukha o nag-anyong tao lang si Hesus. Para bang Diyos siyang nagpanggap na tao. Hindi nila matanggap na naging tunay na tao ang Diyos, dahil iniuugnay nila ang pagiging tao sa kahinaan, karupukan, kasalanan na dahilan ng pagdurusa, at kamatayan.
Parang magandang pakinggan, pero mali. Dahil minamaliit nila ang likas na dangal ng ating pagkatao.Hindi ba’t hanggang ngayon, kapag nagkakamali tayo, ang madalas nating sabihin, “Pasensya na, tao lang.” Para bang napakasamang maging tao. Para bang ang pagiging tao ay katumbas ng pagiging mahina, makasalanan, at palpak.

Pero iba ang ipinahahayag ng ating pananampalataya. Ang Diyos ay naging tao, hindi para maliitin ang ating pagkatao, kundi para itaas ang dangal nito. Hindi siya nagkunwaring tao. Naging tunay siyang tao, maliban sa kasalanan.

At sa pamamagitan niya, binigyan tayo ng Diyos ng isang bagong huwaran ng pagkatao. Kung dati, sina Adan at Eba ang ating iniuugnay sa pagkataong nasira ng kasalanan, ngayon mayroon na tayong bagong Adan, si Hesukristo, na nagtuturo sa atin kung paano tunay na magpakatao.

Ito naman ang koneksyon sa ating Ebanghelyo. Kapansin-pansin na kapag nagsasalita si Hesus tungkol sa kanyang muling pagbabalik, hindi niya ginagamit ang titulong Anak ng Diyos. Ang ginagamit niya ay Anak ng Tao.

Sinasabi niyang darating ang araw ng pagbubunyag ng Anak ng Tao. Isang sandali ng krisis, ng pagsusulit, ng pagbubukod. Tulad noong panahon ni Noe at ni Lot, nagpapatuloy ang mga tao sa kanilang karaniwang pamumuhay—kumakain, umiinom, nag-aasawa, bumibili, nagbebenta, nagtatanim at nagtatayo. Walang kamalay-malay na darating ang sandali ng pagsusulit.
At ano ang magiging batayan ng pagbubukod? Dito mahalagang pakinggan ang sinabi ni Hesus: “Ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang handang mawalan ng kanyang buhay ay siyang magliligtas nito.”

Ito ang kakaibang prinsipyo ng bagong pagkataong ipinakilala sa atin ni Kristo.

Sa mundong ito, ang madalas nating iniisip ay kung paano natin maililigtas ang ating sarili, paano tayo makakaangat, paano tayo makakalamang sa kapwa. Pero para kay Hesus, ang tunay na pagkatao ay hindi nasusukat sa kung gaano karami ang ating naipon o napakinabangan para sa sarili, kundi sa kung gaano tayo natutong magmahal, maglingkod, at mag-alay ng buhay para sa kapwa.
Hindi sapat ang maging tao. Ang hamon sa atin ay magpakatao. At hindi tayo tunay na makapagpapakatao kung hindi tayo matututong makipagkapwa-tao. Ito ang bagong pagkataong ipinakilala sa atin ng Anak ng Tao.

Habang papalapit tayo sa pagtatapos ng taon ng liturhiya at naghahanda sa panahon ng Adbiyento, ito ang paalala sa atin ng mga pagbasa: Ang kaligtasang hinihintay natin ay hindi lamang tungkol sa pagdating ng Panginoon sa katapusan ng panahon. Tungkol din ito sa ating paghahanda na maging tunay na tao, ayon sa kanyang halimbawa.

Dahil sa huli, ang haharap sa atin bilang Hukom ay walang iba kundi ang Anak ng Tao—si Hesukristo, ang tunay na huwaran ng ating pagkatao. At ang tanong niya sa atin ay hindi lamang, “Naniwala ba kayo sa akin?” kundi, “Natuto ba kayong magpakatao, tulad ng itinuro ko sa inyo?”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 5,734 total reads

 5,734 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 91,218 total reads

 91,218 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 185,552 total reads

 185,552 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 247,239 total reads

 247,239 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 292,861 total reads

 292,861 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PREPARING THE WAY

 10,120 total reads

 10,120 total reads A Reflection as Advent Approaches I was fascinated by a little detail in Gerry O’Connell’s report on Pope Leo XIV’s visit to Peru.

Read More »

THE POPE WHO NEVER CAME HOME

 17,878 total reads

 17,878 total reads As I follow Pope Leo XIV’s apostolic journey through Argentina, I cannot help thinking of Jorge Mario Bergoglio, the man who left Buenos

Read More »

NGAYON NA!

 92 total reads

 92 total reads Homiliya para sa Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon 8 Nobyembre 2026 Karunungan 6:12–16; 1 Tes,4:13–18; Mat. 25:1–13 May isang salitang Espanyol na ginagamit

Read More »

NADALÂ NA

 16,103 total reads

 16,103 total reads There is a Filipino expression that is difficult to translate into English: Nadalâ na. Perhaps the closest equivalent is, “We’ve learned our lesson.”

Read More »
Scroll to Top