Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Setyembre 26, 2025

SHARE THE TRUTH

 27,074 total views

Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir

Ageo 1, 15b – 2, 9
Salmo 42, 1. 2. 3. 4

Umasa kayo sa Diyos;
S’ya’y dakilang Manunubos.

Lucas 9, 18-22

Friday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of Sts. Cosmos and Damian, Martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
Ageo 1, 15b – 2, 9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ageo

Ikalawang taon noon ng pamamahala ni Haring Dario. Noong ikadalawampu’t isa ng ikapitong buwan ng taong ding iyon, kinausap ng Panginoon si Propeta Ageo: “Ganito ang sabihin mo kay Zorobabel na gobernador ng Juda, kay Josue at sa mga Israelita: ‘Sino sa inyo ang nakakita sa kagandahan ng templong ito noong una? At ano ang hitsura nito ngayon? Hindi ba mas mabuti pang wala? Ngunit huwag kayong mawalan ng pag-asa. Lakasan ninyo ang inyong loob at gawin ninyo ang aking templo pagkat ako’y sumasainyo. Tulad ng pangako ko sa inyo nang ilabas ko kayo sa Egipto, papatnubayan kayo ng aking Espiritu. Kaya, huwag kayong matakot. Hindi magtatagal at minsan ko pang yayanigin ang kalangitan at ang buong daigdig, ang lupa at dagat. Yayanigin ko ang mga bansa upang maghandog sila para sa templo, pagkat ang ginto at pilak ay akin. Ang templong ito’y magiging maganda kaysa noong una at pasasagananin ko sa lahat ng bagay ang lupaing ito.’” Ito nga sinabi ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 42, 1. 2. 3. 4

Umasa kayo sa Diyos;
S’ya’y dakilang Manunubos.

Hatulan mong ako’y walang kasalanan, Panginoon,
at laban sa masasama, ako’y iyong ipagtanggol;
sa masama’t sinungaling, ilayo mo ako ngayon!

Umasa kayo sa Diyos;
S’ya’y dakilang Manunubos.

Diyos na aking sanggalang, bakit mo ba ako iniwan?
Bakit ako nagdurusa sa pahirap ng kaaway?

Umasa kayo sa Diyos;
S’ya’y dakilang Manunubos.

Ang totoo’t ang liwanag, buhat sa ‘yo ay pakamtan,
upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal
sa bundok mong pinagpala, at sa templo mong tirahan.

Umasa kayo sa Diyos;
S’ya’y dakilang Manunubos.

Sa damdana mo, O Diyos, ako naman ay dudulog,
yamang galak at ligaya ang sa aki’y iyong dulot;
sa saliw ng aking alpa’y magpupuri akong lubos
buong lugod na aawit ako sa Diyos, aking Diyos!

Umasa kayo sa Diyos;
S’ya’y dakilang Manunubos.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 18-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Isang araw, samantalang nananalanging mag-isa si Hesus, lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo, at may nagsasabi pang nabuhay ang isa sa mga propeta noong una.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo?” tanong niya sa kanila. “Ang Mesiyas ng Diyos!” sagot ni Pedro.

Itinagubilin ni Hesus sa kanyang mga alagad na huwag na nilang sasabihin ito kaninuman. At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ang pananampalataya natin kay Jesu-Kristong Anak ng Diyos ang siyang nagtitipon sa atin bilang bahagi ng kanyang sambayanan. Sa kanyang pangalan, dalhin natin ang ating mga intensyon sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin Mong ganap ang aming pananampalataya, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y mapanatili ng Santo Papa at ng mga obispo sa pananampalataya ni San Pedro, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga ibinotong opisyal ng gobyerno nawa’y igalang ang karapatan sa buhay ng mga hindi pa ipinanganganak, ng mga matatanda, at ng mga may kapansanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari at relihiyoso nawa’y maging tapat sa kanilang tungkulin sa Diyos at sa sambayanang kanilang sinumpaang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mapalakas at magpatuloy sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nauna na sa atin na lisanin ang mundong ito nawa’y magkamit ng kasiyahan ng bagong buhay sa presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng habag at awa, sa pamamagitan ng aming Tagapagligtas, pakinggan mo ang panalangin ng iyong Simbahan. Kasama ni San Pedro, nagpahayag kami ng aming pananampalataya kay Kristong iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kasama mo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 8,327 total views

 8,327 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 70,357 total views

 70,357 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 90,594 total views

 90,594 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 104,923 total views

 104,923 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 127,756 total views

 127,756 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 36,155 total views

 36,155 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 36,386 total views

 36,386 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 36,883 total views

 36,883 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 26,965 total views

 26,965 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Huwebes, Setyembre 25, 2025

 2,265 total views

 2,265 total views Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Ageo 1, 1-8 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top