Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Setyembre 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,415 total views

Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Corinto 4, 1-5
Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Lucas 5, 33-39

Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 4, 1-5

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kami’y mga lingkod ni Kristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos – ganyan ang dapat na aming palagay ninyo sa amin. Ang katiwala’y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin ang ako’y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao; ni ako ma’y di humahatol sa aking sarili. Walang bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi nangangahulugang ako’y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. Kaya’t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa’y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,
pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ang mabuti’y gawin, masama’y itakwil,
at mananahan kang lagi sa lupain.
Pagkat yaong bayang wasto ang gawain,
ay mahal ng Poon, hindi itatakwil.
Sila’y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,
iingatan sila pag naliligalig.
Ililigtas sila’t kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat sa Poon nangungubling tunay.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 5, 33-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Hesus: “Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayun din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo’y patuloy ng pagkain at pag-inom.” Sumagot si Hesus, “Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.”

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: “Walang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, ‘Masarap ang inimbak.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Amang Diyos upang ilapit niya tayo sa kahalagahan ng Ebanghelyo para panibaguhin ang Simbahan at ang daigdig.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, O Panginoon.

Ang Simbahan, ang Bayan ng Diyos at mga pinuno nito, nawa’y sundin ang pag-akay ng Espiritu Santo upang ipahayag sa mga tao ngayon ang walang-kupas na wika ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y ating buksan sa mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos na higit na mahalaga kaysa mga panlabas na gawain ng pagpapakabanal, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na laging mapangyayari ang himala ng pagbabago sa lahat ng humihingi ng tulong ni Kristo na makamtan ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, nawa’y maging daan tayo ng mapagpagaling na kamay ng pagmamalasakit ni Kristo sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng pagmamahal at kalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, dinggin mo ang aming mga panalangin at turuan mo kaming mamuhay bilang bagong bayan mo na pinalaya ng pag-ibig ni Jesu-Kristo naming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Holiness Is Not Boring

 11,996 total views

 11,996 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 24,451 total views

 24,451 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 35,731 total views

 35,731 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 46,397 total views

 46,397 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 76,898 total views

 76,898 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 20,316 total views

 20,316 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 20,547 total views

 20,547 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 21,024 total views

 21,024 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 13,731 total views

 13,731 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 13,840 total views

 13,840 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top